Monday, September 5

Araw ng trabaho, babawasan

September 5, 2011 | 5:00 PM

ARAW ng pagtatrabaho, babawasan.

Ito ang isinusulong ni Quezon City Rep. Winston Castelo na gawing apat na araw at 10 oras ang pagtatrabaho ng isang empleyado.

Sa ilalim ng panukalang “Four Day Work Week Act of 2011” hindi naman makakaapekto ang nakasanayan ng 40 oras na pagtatrabaho sa loob ng isang linggo.

Ayon kay Castelo, dadagdagan lamang ng tig-dalawang oras ang bilang ng pagtatrabaho mula Lunes hanggang Huwebes sa lahat ng pampubliko at pampribadong kumpanya.

Layon din nitong magkaroon ng oras sa pamilya at makatipid din sa gastusin sa pagtatrabaho tulad ng daily expenses, maintenance cost at overtime pay.

Pabor naman ang Department of Labor and Employment sa panukalang ito. Ayon kay labor secretary Rosalinda Baldoz, maraming trabaho ang maaaring gawin sa bahay o sa labas ng opisina lalo na kung mayroon namang internet. Subalit kailangang muna raw itong dumaan sa konsultasyon at mapagkasunduan ng mga manggagawa at kanilang employer.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons