Tinawagang pansin ng alkalde ng Cabiao, Nueva Ecija ang national government bigyan ng assistance ang mga apektadong magsasaka sa naturang bayan na lubos na pininsala ni bagyong Pedring.
Ayon kay Mayor Baby Crespo-Congo, bagamat kailangan din nila ang mga tulong sa pamamagitan ng relief goods, kailangan pa rin aniyang iprayoridad ng pamahalaang nasyonal ang muling pagbangon ng mga naapektuhang magsasaka.
Aniya, 70% ang pinsala sa kanilang bayan ay sa sector ng agrikultura.
Marami aniya sa mga magsasaka ang sana’y aani na ng kanilang tanim na palay at gulay sa susunod na lingo subalit nawala ang lahat ng kanilang pinagpaguran at utang na puhunan dahil lamang sa isang araw na pananalasa ni Pedring.
Sinabi rin ng alkalde ng halos walumpung porsyento ng Cabiao ang lubog sa baha.
Dagdag pa ni Mayor Congo, dalawang barangay pa ang isolated sa kanilang lugar – ito ang mga barangay Bagong Sikat at Santa Isabel.
0 comments:
Post a Comment