HINIKAYAT ng Health Justice Philippines ang pamahalaan na gawing limang piso na ang kada stick ng sigarilyo.
Naniniwala kasi ang nasabing grupo na titigil lamang ang mga Pilipino sa paninigarilyo kapag tuluyan ng nagtaas ang presyo ng sigarilyo.
Kapag naipatupad na ito anila, siguradong unang titigil sa pagyoyosi ang mga estudyante na may edad 18 pababa dahil tiyak na kukulangin ang kanilang allowance kapag bumili pa sila ng yosi.
Ginawa ng HJP ang pahayag kasunod na rin ng ginawang survey ng University of the Philippines na kaya marami ang nagyo-yosi ay dahil mura lang ito at “affordable” sa mga kabataan.
Sa ngayon kasi ay nasa P2 hanggang P2.50 lamang ang presyo ng isang stick ng yosi.
www.rmnnews.com
0 comments:
Post a Comment