Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mas pinag-ibayo pa nito ang serbisyo ng e-passport application.
Inamin ni DFA Assistant Secretary Jet Leda na nagkaroon ng mga problema dati sa e-passport application kaya mas inayos nila ang serbisyo.
Ayon kay Leda, maaaring mag log-in sa www.epassport.com.ph o tumawag sa 737-1000 at makakakuha ng appointment sa loob ng dalawang linggo para sa regular processing.
Matapos ang pagpoproseso, aabutin lang ng 10 araw ang processing sa mga rush application habang 20 araw ang release ng pasaporte sa regular processing. P1,200 ang bayad sa rush e-passport application habang P950 sa regular processing.
Bukod sa DFA, pwede ring mag-apply ng pasaporte sa mga travel agency na accredited ng DFA.
Sinabi ni Leda na mahalaga sa kanila ang feedback ng publiko para mas lalo pa nilang ayusin ang serbisyo.
0 comments:
Post a Comment