Inaprubahan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang kontrobersyal na pagsasanib ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) at Digitel Telecommunications Philippines, Inc. (Digitel).
Gayunman, may mga kondisyon ang NTC bago ang tuluyang pagsasanib ng dalawang kumpanya.
Pangunahin dito ay kailangang ituloy ng Digitel ang pagbibigay ng unlimited service sa mga subscriber sa pamamagitan ng Sun Cellular.
Kailangan din ng PLDT na bitawan ang kanilang 10-megahertz na 3G radio frequency.
Balak naman ni Bayan Muna Representative Teddy Casiño na hilingin sa Korte Suprema na pigilan ang pagsasanib ng PLDT at Digitel.
Ayon sa mambabatas, nauna nang hatol ng Korte Suprema na iligal ang ownership ng PLDT dahil mga banyaga ang nagmamay-ari ng majority ng kanilang shares.

0 comments:
Post a Comment