Wednesday, October 5

PNoy, bumisita na sa mga binabahang lugar sa Central Luzon


October 5, 2011

Bumisita na si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa ilang lalawigan sa Central Luzon na hanggang ngayo'y binabaha kasunod ng pananalasa ng mga Bagyong Pedring at Quiel.

Unang pinuntahan ng Pangulo ang Tarlac kasama sina Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson, Tarlac Governor Victor Yap at La Paz Mayor Michael Manuel  at personal na tiningnan ang laki ng tubig sa Rio Chico na nasa boundary na ng Nueva Ecija.

Mula sa Rio Chico, nagtungo ang Pangulo sa town plaza ng La Paz plaza kung saan siya sinalubong ng mahigit 300 pamilyang kasamang inilikas matapos tumaas ang tubig baha sa limang barangay doon.

Tinatayang nasa 300,000 milyong pisong halaga ng palayan ang napinsala sa La Paz, hindi pa kasama ang palaisdaan at hayupan. 

Mula Tarlac, ininspeksyon ng Pangulo ang Mount Pinatubo project sa Barangay San Jose, San Fernando City sa Pampanga saka ito dumiretso sa Calumpit, Bulacan partikular sa Barangay Corazon.

Binigyang diin naman ng Pangulo na hindi nagpapabaya ang pamahalaan sa gitna ng mga tumamang kalamidad.


Hinikayat niya ang lahat na manalangin upang makaiwas ang bansa sa mga sakuna at maging matatag sa anumang unos sa buhay.

www.dzmm.com.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons