Walong gintong medalya na ang nasungkit ng Philippine team sa 26th Southeast Asian Games (SEAG) sa Palembang, Indonesia.
Ngayong Lunes, dinagdagan ni Dennis Orcullo ang gintong medalya ng bansa, matapos magwagi sa Men's 8-ball.
Dalawang silver din ang nadagdag; isa sa Men's 3-meter Synchronized Diving nina Ryan Nino, Carog Bedoya at Jaime Asok, at isa sa Kumite Team Karate Do.
Ipinagbunyi ng mga atleta ang unang gold noong Sabado sa Long Jump event mula kay Maristela Torres na binasag ang sariling SEAG record noong 2009 na 6.68 meters at naitala ang 6.71 meters .
Gold din ang nauwi ng 3000-meter Steeple Chase si Rene Herrera; Team Pomsae event ng Taekwondo nina Rani Ortega, Camille Alarailla, at Janice Lagman, at 62 kg Female Taekwando event ni Maria Camille Manalo.
Isang gold din ang nakuha ng Pinoy athletes sa pamamagitan ni Ina Flores sa Women's Wall Climbing.
Ang dalawang unang silver naman ay nasungkit sa swimming nina Dorothy Hong sa 200-meter backstroke at Jessie Lacuna sa 200m freestye.
Sa iba pang laro, inilampaso ng Sinag Pilipinas Basketball team ang Cambodia 127 - 68 para sa una nilang laban ngayong Lunes gayundin ang Women's Basketball team na tinalo ang Malaysia, 64-56.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 8 golds, 14 silvers at 20 bronze medals ang Philippine team.
Malaki-laki pa ang hahabulin ng mga atletang Pinoy sa natitirang siyam na araw ng kumpetisyon para maabot ang target ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) na makakuha ng 70 gold medals at makapangatlo sa standing.

0 comments:
Post a Comment