Pasok ang Puerto Princesa Underground River ng Palawan sa New Seven Wonders of Nature.
Base sa inilabas na provisional result sa website na new7wonders.com, kabilang ang Puerto Princesa Underground River sa may pinakamaraming boto kasama ang Amazon rainforest Halong Bay ng Vietnam, Iguazu Falls ng Argentina, Jeju Island ng South Korea, Komodo Island ng Indonesia at Table Mountain ng South Africa.
Ayon sa Swiss Foundation na New7Wonders, sa unang bahagi pa ng susunod na taon iaanunsyo ang pinal na resulta ng botohan at posibleng may mabago pa sa mga provisional winners at final list.
Nagpasalamat naman si Bernard Weber, ang Founder-President ng New7Wonders sa lahat ng nakiisa at nag-promote ng New7Wonders of Nature campaign sa nakalipas na apat na taon
Mula sa mahigit 440 magagandang lugar sa 220 bansa sa mundo, ay napili ang 28 final candidates na siya namang pinagpilian ng New7Wonders of Nature.

0 comments:
Post a Comment