Pormal nang inilabas ng Department of Tourism ang campaign slogan ng bansa upang mas makahikayat pa ng mga turista, lokal man o dayuhan.
Sinabi ni Tourism Secretary Ramon Jimenez na tatawaging "It's More Fun in the Philippines" para sa mga dayuhan at "Number 1 for Fun" naman ang kampanya para sa mga lokal na turista.
Dagdag ni Jimenez, sesentro ang kampanya hindi lamang sa magagandang tanawin sa bansa bagkus pati na rin ang maaaring gawin sa bansa bilang turista.
Binibigyang-diin ng kampanya ang simple ngunit makatotohan at magagandang asal ng mga Pilipino.
Samantala, nagkaisa ang mga Pinoy social media users upang i-promote ang pinakabagong tourism advocacy ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan, number one trending topic sa Twitter ang hashtag... ItsMoreFunInThePhilippines.
Umaasa naman ang mga Pilipino na magiging matagumpay ang kampanyang ito upang mapalakas ang turismo at imahen ng bansa.

0 comments:
Post a Comment