Tuesday, January 17

Kabataang Novo Ecijana, kasama sa 9 Global Shapers

Siyam na natatanging kabataang pinoy ang napili ng World Economic Forum bilang 2012 Young Global Shapers.

Kasama sa mga kabataang ito ang tubong Gapan na si Mildred Ople. Kinilala ng Word Economic Forum ang pagsusumikap ni Mildred na itaguyod ang countryside development at makapag-adopt ng mga makabagong teknolohiya sa agrikultura para sa mas malaking kita para sa mga mamamayan. Siya rin ang founder ng Hagonoy Young Leaders Program at nakipagtulungan na rin sa Ayala Foundation sa ginagawa nitong mga proyekto para sa kabataan.

Ang dalawamput limang taong gulang na si Mildred Ople ay nagtapos ng BS Business Administration major in Economics sa Central Luzon State University noong 2006.

Siyam na kabataan, edad dalawampu hanggang tatlumpu ang tinanggap ng WEF bilang tunay na kabataang lider dahil sa kanilang positibong kontribusyon sa kanilang komunidad.

Ang iba pang kasama ni Ople sa 2012 Young Global Shapers ay sina Anna Rosario Oposa, co-founder ng Save Philippine Seas; Maria Carmela Alvarez, ang pinakabatang alkalde ng San Vicente, Palawan sa edad na dalawamput apat; Ponce Ernest Samaniego, CEO ng Outliers; Jay Michael Jaboneta, founder ng Philippine Funds for Little Kids; Dr. Albert Bryan Lim, isang doctor mula sa San Pablo Laguna; Eleanor Rosa Pinugu, founder ng Mano Amiga Academy; Alexandra Amanda Eduque, founder at chairperson ng Habitat for Humanity Philippines Youth Council; at ang TV Host na si Bianca Gonzales, ang special advocate for children ng United Nations Children's Fund Philippines.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons