Thursday, January 19

Pilipinas, naungusan na ang India bilang 'largest call center agent provider' sa mundo: DOTC

Naungusan na ng Pilipinas ang India bilang nangungunang call center agent provider sa buong mundo.

Ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC), aabot na ngayon sa 350,000 ang call center agents sa bansa habang nasa 300,000 ang sa India noong 2011.

Dahil dito, pumapangalawa na sa Pilipinas bilang may pinakamalaking kontribusyon sa lokal na ekonomiya, ang Information Technology (IT)- Business Process Outsourcing (BPO) sunod sa remittance inflow mula sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Sinabi ni DOTC Undersecretary Rene Limcaoco na halos masungkit na ng BPO industry ang $9 bilyong export revenue nitong 2011 o katumbas ng 4.8% sa Gross Domestic Product (GDP).

Kapag nagpatuloy aniya ang mabilis na agos ng kita sa BPO Industry, hindi malayong makakamit ang $11 bilyong target ngayong taon at pagsapit ng 2016 ay halos kapantay na nito ang OFW remittances na $25 bilyon.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons