Isa nang ganap na tropical depression ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa Silangang Bahagi ng Visayas at tatawagin na itong Bagyong "Falcon".
Batay sa weather bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ni Falcon sa layong anim na raan at pitumpung kilometro sa Silangan ng Boronggan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangging umaabot ng 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at kumikilos pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na labing siyam na kilometro kada oras.
0 comments:
Post a Comment