PINAALALAHANAN ang publiko hinggil sa panibagong bagyo na maaring pumasok sa bansa ngayong weekend.
Ayon kay DOST-PAGASA Usec. Graciano Yumul na bagama’t nasa labas pa ng teritoryo ng Pilipinas ang nasabing sama ng panahon ay gawin na rin ang ibayong paghahanda sakaling tuluyang na itong pumasok ng bansa.
Samantala, inihayag nito na makakaranas ang hilaga at gitnang Luzon ng mga paminsan-minsang pag-ulan na magiging madalas sa kanlurang bahagi ng gitnang Luzon na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.
Magiging maganda naman ang panahon sa Visayas at Mindanao sa sabado at linggo.
Ang kalakhang Maynila ay makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa bandang hapon o gabi.
Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 24 hanggang 31 antas ng celsius.
Ang araw ay sumikat kaninang alas-5:34 ng umaga at lulubog naman mamayang alas-6:30 ng gabi.
Wednesday, July 13
Gitnang Luzon, magiging maulan
4:08 PM
Percy Tabor
No comments
0 comments:
Post a Comment