July 26, 2011 | 12:00 NN
NAKATAKDANG isalang sa ikalawang pagbasa ngayong 2nd Regular Session sa 15th Congress ang Senate Bill No. 1239 o mas kilala bilang corporate social responsibility (CSR) na akda at inihain ni sen. Manuel Villar.
Layon ng nasabing panukala na obligahin ang matatagumpay na korporasyon sa bansa na tumulong sa mahihirap na sector ng lipunan sa halip na solohin ang kanilang kita sa mga negosyo.
Giit ni sen. Villar, hindi kakayanin ng gobyerno na mag-isang pasanin ang responsibilidad sa mamamayan at sa kapaligiran kaya kinakailangan ang tulong ng private sectors.
Bilang kapalit sa pakikiisa sa nasabing panukalang batas, bibigyan ang mga higanteng kumpanya ng tax incentives kapag gumastos para sa charitable projects tulad ng youth and sports development; cultural o educational purpose; serbisyo sa mga beterano at senior citizen; social welfare; environmental sustainability; pangkalusugan at disaster relief at assistance.
www.rmn.com.ph

0 comments:
Post a Comment