August 3, 2011 | 12:00 NN
Sa oras sa maipasa ang Senate Bill 2759, o Total Plastic Bag Ban Act of 2011 na inihain ni Senador Loren Legarda, ipagbabawal na ang paggamit ng mga non-biodegradable plastic bags.
Ayon kay Legarda, kabilang sa mga dahilan ng matinding pagbaha lalo na sa metro manila ang mga baradong estero at kanal dahil sa mga basurang plastic na hindi basta-basta natutunaw.
Lumabas din sa pag-aaral na isinagawa ng United States Environmental Protection Agency nasa 500 bilyon hanggang one trilyong plastic bags ang nagagamit bawat taon.
Sa ulat naman ng World Wildlife Fund umaabot sa 200 iba’t ibang marine species ang namamatay dahil sa ‘ingestion’ at ‘choking’ sanhi ng plastic bags.
Sakaling maisabatas na ito ay ipagbabawal na ang paggamit ng plastic bags sa mga supermarkets, public markets, restaurants, fast food chains, department stores at iba pang kahalintulad na establisyemento.
www.rmn.com.ph
0 comments:
Post a Comment