Wednesday, August 3

Sen. Zubiri, nag-resign bilang senador

August 3, 2011 | 5:00 PM

Nagbitiw na sa pagiging senador si Sen. Juan Miguel Zubiri.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Zubiri na siya at ang kanyang pamilya ay labis na nasaktan sa alegasyon ng dayaan at trial by publicity na ibinabato ng kanyang kalaban.

Sa harap na rin ito ng election protest ni Atty. Aquilino "Koko" Pimentel III na nakabinbin pa rin sa Senate Electoral Tribunal (SET) kaugnay ng 2007 senatorial election kung saan pang-12 si Zubiri at mas mataas lang ng 21,000 boto kay Pimentel.

Nanindigan si Zubiri na hindi siya nandaya o kumausap ng sinuman upang mandaya para manalo sa halalan.
Nag-resign aniya siya bilang halal na senador ng Republika ng Pilipinas hindi dahil napapagod na sa kontrobersya o para iwasan ang desisyon ng SET sa election protest na handa naman niyang tanggapin anuman ang maging hatol.

Nagbitiw aniya siya dahil nagdudulot na ng pagkakahati-hati sa ating bansa at pagdududa sa electoral system ang tinawag niyang walang basehang akusasyon ng dayaan.

Binanggit nitong ayaw na niyang makaladkad pa ang kanyang pamilya at ang Senado sa ibang kontrobersya bunsod ng nasabing mga alegasyon.

Apat na taon nang nakaupo sa Senado si Zubiri at sa 2013 pa dapat magtatapos ang kanyang termino.
Kasama ni Zubiri sa kanyang pagpunta sa Senado ang asawang si Audrey at mga magulang na sina Jose at Vicky Zubiri. 

www.dzmm.com.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons