October 4, 2011 | 3:00 PM
Hinikayat ni Senador Rodolfo Biazon si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na pag-aralan kung kailangan nitong maglabas ng executive order hinggil sa kapangyarihan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na magpasya sa pagpapalabas ng tubig sa mga dam sa bansa.
Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni Biazon na batay sa imbestigasyon sa Senado kahapon, lumitaw na ang National Water Resources Board ang nagpapasya sa pagpapalabas ng tubig sa mga dam sa normal na panahon ngunit ang NDRRMC ang may kapangyarihan nito sa panahon ng emergency.
Naniniwala si Biazon na maaaring maglabas ng presidential issuance ang Pangulo para malinawan ang parameters ng emergency situation kung kailan maililipat sa NDRRMC ang kapangyarihang magpasya sa pagpapakawala ng tubig sa mga dam.
www.dzmm.com.ph

0 comments:
Post a Comment