October 4, 2011 | 5:00 PM
Nagpalabas na ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ng P330 milyon para bayaran ang mga magsasakang naapektuhan ng malawakang pagbaha.
Pero nilinaw ni Atty. Jovy Bernabe, Pangulo ng PCIC, tanging ang mga magsasaka lamang na naka-insured ang palayan at maisan ang babayaran ng insurance.
Mahigit 40,000 ektaryang naka-insured na sakahan ang naapektuhan ng bagyo kung saan pinakagrabe ang Region 3 habang kasama rin ang Region 1, 2, 4-A, at 5 maging ang Cordillera Administrative Region (CAR).
Makukuha ang kabayaran sa loob ng 20 araw matapos manalasa ang Bagyong Pedring at Quiel.
www.dzmm.com.ph
0 comments:
Post a Comment