Saturday, July 9

Pagkakaibigan ng Pilipinas at China, mananatili

July 9, 2011 | 3:00 PM

Mananatili ang pagkakaibigan at ugnayan ng Pilipinas at China sa kabila ng namumuong tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa territorial claims sa Spratly islands.

Ito ang bunga ng pagpupulong nina Foreign Affairs secretary Alberto Del Rosario at Chinese Foreign Minister Yang Jiechi sa Beijing.

Tiniyak din ng dalawang leader na magpapatuloy ang pagtutulungan ng dalawang bansa upang palakasin ang kalakalan

www.rmn.com.ph

Dating US first lady Betty Ford, pumanaw na

July 9, 2011 | 3:00 PM

Sumakabilang buhay na ang dating first lady ng America na si Mrs. Betty Ford, 93 years old maybahay ni dating pangulong Geralrd Ford.

Agad na nagparating ng pakikiramay si dating first lady Nancy Reagan nang mabalitaan ang pagpanaw ni Mrs. Ford.

Matatandaang hinangaan si Mrs. Ford hindi lang ng America kundi ng international community nang aminin nito na nagkaroon siya ng drug at alcohol addiction pero nagging inspirasyon niya ito para magtayo ng drug and alcohol rehabilitation center.

www.rmn.com.ph

Pilipinas, ika-12 sa listahan ng mga bansang may pinakamaraming populasyon sa buong mundo

July 9, 2011 | 12:00 NN

KINILALA ang Pilipinas bilang pang-12 bansa na may pinakamaraming populasyon sa buong mundo.
 
Sa datos ng United Nations Population Fund, umaabot na sa mahigit 94, 000, 000 ang populasyon ng bansa noong taong 2010 kung saan 1.3% ito ng kabuuang populasyon sa mundo.

Pinakamaraming bilang ng mga Pilipino ay mula sa Quezon City na may mahigit dalawang milyon, sinundan ito ng Maynila, Caloocan, Davao at Cebu.

Nabatid na tumaas ang populasyon ng Pilipinas ng mahigit dalawang milyon kumpara sa 92 million noong 2009.

Samantala, nangunguna naman sa UN list ang China na may populasyon na 1.3 billion, pumangalawa ang India na may 1.2 billion at pangatlo ang Amerika na may mahigit 311,000,000 na populasyon.

www.rmn.com.ph

Friday, July 8

Pagsasapribado ng PCSO at PAGCOR, iminungkahi


July 8, 2011 | 5:00 PM

Matapos mabunyag ang mga sinasabing anomalya sa paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), isinulong ni Senador Franklin Drilon ang pagsasapribado sa lotto at iba pang larong sugal na pinangangasiwan ng naturang ahensya maging ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Sinabi ni Drilon na kailangang baguhin ang charter ng PCSO at mas mainam na isapribado na lamang ang operasyon ng lotto, sweepstakes at iba pang gaming services ng ahensya para walang maging kuwestyon sa intelligence fund nito.

Magiging regulatory agency na lamang aniya ang gobyerno na magbibigay-proteksyon sa mga tumataya sa lotto.

Dagdag ni Drilon, kapag natuloy ang privatization, ang mga bayad sa gaming services ay mapupunta sa national treasury at ang Kongreso ang bahala sa appropriation.

Mungkahi ni Drilon, ilagay lahat sa Philhealth ang matatanggap na bayad sa pagsasapribado ng lotto at iba pang larong sugal para mapanindigan ng PCSO ang mandato nito na pagbibigay ng tulong-medikal sa mga kapus-palad.

www.dzmm.com.ph

Low Pressure Area sa Luzon malabo nang maging bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa PAGASA

July 8, 2011 | 3:00 PM

NAGPAALALA ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administtration (PAGASA) sa publiko na maging alerto ngayong may sama ng panahon sa bansa.

 Sa interbyu ng Radyo Mo Nationwide kay PAGASA, Supervising Undersecretary Dr. Graciano Yumul, sinabi nitong ang nag-iisang Low Pressure Area (LPA) na kanilang binabantayan ngayon ay may posibilidad na maging ganap na bagyo anumang oras.

Gayunpaman, kahit malapit na ang bagyo sa Taiwan na papangalanang “Goring” ay inaasahan ang malakas at malawakang pag-ulan partikular sa bahagi ng Luzon dahil pinag-iibayo nito ang hanging habagat na posibleng magdulot ng flashflood at landslide.



Bagamat maulan sa Luzon, iiral naman ang magandang lagay ng panahon sa Visayas at Mindanao Region na kamakailan lamang ay matinding napinsala sa bagyong Egay at Falcon.


Samantala, isa pang LPA ang namuo sa labas ng Philippine Area of  Responsibility (PAR) at mataas rin ang tiyansa na maging bagyo ito.

www.rmn.com.ph

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons