Friday, July 8

Low Pressure Area sa Luzon malabo nang maging bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa PAGASA

July 8, 2011 | 3:00 PM

NAGPAALALA ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administtration (PAGASA) sa publiko na maging alerto ngayong may sama ng panahon sa bansa.

 Sa interbyu ng Radyo Mo Nationwide kay PAGASA, Supervising Undersecretary Dr. Graciano Yumul, sinabi nitong ang nag-iisang Low Pressure Area (LPA) na kanilang binabantayan ngayon ay may posibilidad na maging ganap na bagyo anumang oras.

Gayunpaman, kahit malapit na ang bagyo sa Taiwan na papangalanang “Goring” ay inaasahan ang malakas at malawakang pag-ulan partikular sa bahagi ng Luzon dahil pinag-iibayo nito ang hanging habagat na posibleng magdulot ng flashflood at landslide.



Bagamat maulan sa Luzon, iiral naman ang magandang lagay ng panahon sa Visayas at Mindanao Region na kamakailan lamang ay matinding napinsala sa bagyong Egay at Falcon.


Samantala, isa pang LPA ang namuo sa labas ng Philippine Area of  Responsibility (PAR) at mataas rin ang tiyansa na maging bagyo ito.

www.rmn.com.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons