Friday, July 8

PNP, umapela sa publiko na huwag maalarma sa mga idinagdag na checkpoint sa mga lansangan

July 8, 2011 | 3:00 PM

Umapela ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag maalarma sa pagdami ng mga chekpoint at nagpapatrulyang pulis sa mga susunod na linggo.

Sinabi ni PNP Public Information Office Chief Agrimero Cruz Jr. na bahagi ang hakbang ng paghahanda ng PNP sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa Hulyo 25.

Makakaagapay aniya ng PNP sa pagpapaigting ng seguridad sa Metro Manila ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Inihayag pa ni Cruz na plano nito na makipagdiyalogo sa mga militanteng grupo na nakatakdang magsagawa ng kilos-protesta sa SONA para matiyak na magiging tahimik at mapayapa ang mga rally. 

www.dzmm.com.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons