July 8, 2011 | 12:00 NN
Tutulak na ang Diskwento Caravan ng Department of Trade and Industry sa Nueva Ecija.
Sa pangunguna ni DTI Provincial Director Brigida Pili, magaganap ang Diskwento Caravan sa buong araw ng July 15 sa Freedom Park, Cabanatuan City.
Layunin ng Diskwento Caravan na maihatid sa mga consumers ang kalidad na produkto na kanilang mabibili sa mas murang halaga tulad ng gamot, tinapay, canned goods, processed meat products, gulay, kasama na ang sabon at school supplies.
Ayon kay Director Pili, ito ang kanilang sagot sa patuloy na pagtaas ng pangunahing bilihin dahil na rin sa hindi maiwasang pagtaas ng mga produktong petrolyo.
Nakikipag-ugnayan din ang DTI Nueva Ecija sa iba pang ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor para sa karagdagan pang serbisyo sa araw na iyon. Sa pamamagitan nito, bukod sa murang biihin, maaari ring magkaroon ng libreng business counseling, product clinics, product development, blood pressure check, at iba pa.
Ang imbitasyong ito ng DTI na dumalo at mamili sa Diskwento Caravan ay bukas para sa lahat.
BiG SOUND & DZXO Newsteam
Friday, July 8
Diskwento Caravan, tutulak sa Nueva Ecija
10:22 AM
Percy Tabor
No comments
0 comments:
Post a Comment