July 4, 2011 | 3:00 PM
Nakikipag-ugnayan na ang Food and Drugs Administration sa mga local government unit upang mahigpit na i-monitor ang mga ibinebentang toyo sa kanilang lugar lalo na ang mga walang tatak.
Sa harap na rin ito ng babala ng FDA na may mga toyong nagtataglay ng kemikal na 3-monochloropropane-1,2-diol o 3-MCPD na nakakapagdulot ng cancer.
Sa isang panayam, sinabi ni FDA Deputy Director Nazarita Tacandong, na ang mga lokal na pamahalaan mismo ang makasusuri kung saan galing ang mga ibinebentang toyo lalo't iginigiit ng ibang tindera na ito ay sa Pilipinas lang din gawa.
Nilinaw din ng opisyal na hindi lang mga toyo na galing sa China na walang tatak ang kanilang ibinababala na posibleng nagtataglay ng nakakakanser na kemikal, kundi kahit anong produkto mula sa ibang bansa na hindi nairerehistro sa FDA.
Pinayuhan naman ni Tacandong ang publiko na upang makasiguro, bumili ng toyo na may label na siguradong dumaan sa pagsusuri ng FDA.
www.dzmm.com.ph

0 comments:
Post a Comment