Monday, July 4

Roxas, nanumpa na bilang bagong kalihim ng DOTC

 July 4, 2011 | 5:00 PM

Pormal nang nanumpa sa tungkulin si dating Senador Mar Roxas bilang bagong kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Mismong si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang nagpanumpa sa tungkulin kay Roxas sa isang maikling seremonya sa Malakanyang, kasama ang iba pang mga bagong-talagang opisyal mula sa ibang departamento.

Kasama ni Roxas sa kaniyang oathtaking ang asawang si Korina Sanchez, inang si Judy Araneta-Roxas at anak na si Paolo.

Tiniyak naman ng bagong kalihim na agad niyang pupulungin sa loob ng linggong ito ang mga ahensya sa ilalim ng DOTC para malaman ang sitwasyon at problema ng mga ito.

Magsasagawa aniya siya ng assessment kung maayos na nakapaghahatid ng serbisyo-publiko ang bawat ahensya at isasapinal ang mga priority projects nito para makagawa ng coherent program.

Tiniyak din ng kalihim na personal niyang iinspeksyunin ang mga bus terminal para maimbentaryo ang prangkisa ng mga ito at maresolba na ang problema sa colorum. 


www.dzmm.com.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons