July 4, 2011 | 12:00 NN
Binati ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang Philippine Azkals sa kanilang tagumpay laban sa Sri Lanka Brave Reds sa ikalawang leg ng unang round ng kanilang World Cup qualifier match. Aniya, patuloy sana silang maging inspirasyon para sa kabataan na hangarin ang teamwork at sportsmanship. Ipinahayag din ng pangulo ang hangarin nitong tagumpay sa pagharap naman nila sa Kuwait.
Inilampaso kahapon ng Azkals ang koponan ng Sri Lanka Brave Red.
Tinapos ng Azkals sa score na 4-0 ang second leg ng laban nito kontra Sri Lanka para masungkit ang panalo sa aggregate score na 5-1.
Umiskor ng dalawang puntos para sa Azkals si Phil Younghusband habang nakapuntos ng tig-isang goal sina Chieffy Caligdong at Angel Guirado.
Una nang nauwi sa draw, 1-1, ang unang paghaharap ng dalawang koponan sa Sugathadasa Stadium sa Sri Lanka noong June 29.
Sunod na makakalaban ng Azkals ang Kuwait sa July 23 at 28.

0 comments:
Post a Comment