Friday, January 20

AFP, no hold on Palparan

Retired Major General Jovito Palparan is no longer in the active military service. The AFP has no hold on him being a civilian, a press release said.

Meanwhile, the AFP has already facilitated the turnover of the two active personnel, namely Lt. Col. Felipe Anotado, Jr. and Staff Sgt. Osorio, to the authorities for proper disposition.

The report added that the AFP is a professional organization composed of disciplined and law abiding soldiers. It is not the policy of the AFP to coddle and provide safe harbor to any person wanted by law.

It says that they fully trust the justice system and believe in the due process of law. The AFP believes that retired Major Gen. Palparan should turn himself in and answer all allegations hurdled against him. It would be better for him to face the case and take the opportunity of proving that he is not guilty and that he is innocent.

Their unit commanders have disseminated the "lookout bulletin" handed down by Army headquarters; and our soldiers will inform proper authorities if they will spot Gen. Palparan in their duty assignments.

Thursday, January 19

Impeachment Trial - 1188 DZXO am live coverage


Live na mapapakinggan sa aming sister station, 1188 DZXO am ang Impeachment Trial kay Chief Justice Renato Corona simula alas-2 ng hapon. Mula sa Senado hanggang sa inyong radyo, ihahatid ng 1188 DZXO am ang mga pinakahuling kaganapan sa malaking bahaging ito ng ating kasaysayan.

Ang Paglilitis Day 4: SALN ni CJ Corona, bubusisiin ngayon

Inaasahang itutuloy ngayon ng House prosecution panel at ng senator-judges ang pagbusisi sa nilalaman ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Prosecution Spokesperson Aurora Congressman Juan Edgardo "Sonny" Angara, hindi na inaasahang paharapin pa nila si Supreme Court Clerk of Court Enriquetta Vidal matapos nitong isumite kahapon ang SALN ng punong mahistrado, gayundin ang ikalawang testigong si Marianito Dimaandal, ang hepe ng Malacañang records office.

Sa halip, plano ng prosekusyon na iharap ngayong araw ang registrar of deeds at city assessor ng anim na siyudad na kinaroroonan umano ng mga lupain at condo unit ni Corona.

Inaasahang higit walong testigo ang ihaharap ngayong araw.

Kaninang umaga, inumpisahan na ang marking ng mga ipina-subpoenang dokumento kabilang na iprinisintang ebidensya ni Dimaandal kahapon o ang mga lumang SALN ni Corona.

Sarado sa media ang pagmamarka ng mga dokumento na isinagawa sa session hall ng Senado.

Una nang iniutos kahapon ni Enrile ang maagang pagmamarka ng mga dokumentong isusumite ng mga taong sinubpoena para sa araw na ito upang mapadali ang impeachment hearing.

Pilipinas, naungusan na ang India bilang 'largest call center agent provider' sa mundo: DOTC

Naungusan na ng Pilipinas ang India bilang nangungunang call center agent provider sa buong mundo.

Ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC), aabot na ngayon sa 350,000 ang call center agents sa bansa habang nasa 300,000 ang sa India noong 2011.

Dahil dito, pumapangalawa na sa Pilipinas bilang may pinakamalaking kontribusyon sa lokal na ekonomiya, ang Information Technology (IT)- Business Process Outsourcing (BPO) sunod sa remittance inflow mula sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Sinabi ni DOTC Undersecretary Rene Limcaoco na halos masungkit na ng BPO industry ang $9 bilyong export revenue nitong 2011 o katumbas ng 4.8% sa Gross Domestic Product (GDP).

Kapag nagpatuloy aniya ang mabilis na agos ng kita sa BPO Industry, hindi malayong makakamit ang $11 bilyong target ngayong taon at pagsapit ng 2016 ay halos kapantay na nito ang OFW remittances na $25 bilyon.

Tuesday, January 17

Kabataang Novo Ecijana, kasama sa 9 Global Shapers

Siyam na natatanging kabataang pinoy ang napili ng World Economic Forum bilang 2012 Young Global Shapers.

Kasama sa mga kabataang ito ang tubong Gapan na si Mildred Ople. Kinilala ng Word Economic Forum ang pagsusumikap ni Mildred na itaguyod ang countryside development at makapag-adopt ng mga makabagong teknolohiya sa agrikultura para sa mas malaking kita para sa mga mamamayan. Siya rin ang founder ng Hagonoy Young Leaders Program at nakipagtulungan na rin sa Ayala Foundation sa ginagawa nitong mga proyekto para sa kabataan.

Ang dalawamput limang taong gulang na si Mildred Ople ay nagtapos ng BS Business Administration major in Economics sa Central Luzon State University noong 2006.

Siyam na kabataan, edad dalawampu hanggang tatlumpu ang tinanggap ng WEF bilang tunay na kabataang lider dahil sa kanilang positibong kontribusyon sa kanilang komunidad.

Ang iba pang kasama ni Ople sa 2012 Young Global Shapers ay sina Anna Rosario Oposa, co-founder ng Save Philippine Seas; Maria Carmela Alvarez, ang pinakabatang alkalde ng San Vicente, Palawan sa edad na dalawamput apat; Ponce Ernest Samaniego, CEO ng Outliers; Jay Michael Jaboneta, founder ng Philippine Funds for Little Kids; Dr. Albert Bryan Lim, isang doctor mula sa San Pablo Laguna; Eleanor Rosa Pinugu, founder ng Mano Amiga Academy; Alexandra Amanda Eduque, founder at chairperson ng Habitat for Humanity Philippines Youth Council; at ang TV Host na si Bianca Gonzales, ang special advocate for children ng United Nations Children's Fund Philippines.

Friday, January 6

PNoy, binigyang-pugay ang naging ambag ni Tandang Sora sa bansa

Binigyang-pugay ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang naging ambag sa bansa ng bayaning si Melchora Aquino o Tandang Sora kaugnay ng paggunita ngayong araw sa ika-200 kaarawan nito.

Sa kanyang talumpati, kinilala ng pangulo ang naging ambag ni Tandang Sora upang tulungan ang mga katipunero.

Ayon sa pangulo, sa kabila ng edad nito na 84 at walang armas, nagawa nitong makapag-ambag para makamtan ang kalayaan ng bansa.

Hinimok din ni PNoy ang mga kababayan natin na huwag kalimutan at isabuhay ang naging kabayanihan ni Tandang Sora at gampanan ang ating mga tungkulin para sa kapakanan ng bansa.

Matapos ang talumpati ng pangulo, be-bendisyunan ni Novaliches Bishop Antonio Tobias ang bagong puntod ni Tandang Sora at urn na dadalhin sa crypt ng Bagong Tandang Sora Shrine sa Banlat, Quezon City.

DOT, inilabas na ang bagong tourism campaign ng Pinas; Bagong kampanya, worldwide trending topic sa Twitter

Pormal nang inilabas ng Department of Tourism ang campaign slogan ng bansa upang mas makahikayat pa ng mga turista, lokal man o dayuhan.

Sinabi ni Tourism Secretary Ramon Jimenez na tatawaging "It's More Fun in the Philippines" para sa mga dayuhan at  "Number 1 for Fun" naman ang kampanya para sa mga lokal na turista.

Dagdag ni Jimenez, sesentro ang kampanya hindi lamang sa magagandang tanawin sa bansa bagkus pati na rin ang maaaring gawin sa bansa bilang turista.

Binibigyang-diin ng kampanya ang simple ngunit makatotohan at magagandang asal ng mga Pilipino.

Samantala, nagkaisa ang mga Pinoy social media users upang i-promote ang pinakabagong tourism advocacy ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan, number one trending topic sa Twitter ang hashtag... ItsMoreFunInThePhilippines.

Umaasa naman ang mga Pilipino na magiging matagumpay ang kampanyang ito upang mapalakas ang turismo at imahen ng bansa.

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons