Sunday, July 31

Signature campaign para isulong ang FOI Bill, ilulunsad


August 1, 2011 | 12:00 NN

Maglulunsad ng signature campaign ang iba't ibang grupo ng mamamahayag para isulong ang pagpasa ng Freedom of Information (FOI) Bill.

Ayon sa National Press Club (NPC), nagpasya silang ilunsad ang signature campaign makaraang hindi banggitin ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang kaniyang mga plano kaugnay ng FOI Bill sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 25.

Bukod sa NPC, makikiisa din sa kampanya ang Burgos Media Center, Alyansa ng mga Pilipinong Mamamahayag, at College Editors' Guild of the Philippines-National Capital Region (NCR).

Sisimulan ang signature bukas ng ala 1:00 ng hapon sa Miriam College sa Quezon City at magkakaroon din ng press freedom forum sa iba't ibang eskwelahan sa Metro Manila.

www.dzmm.com.ph

Saturday, July 30

DepEd: Panukalang ilipat ang pasukan ng Setyembre, patuloy pang pinag-aaralan


July 30, 2011

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi pa pinal at patuloy pa ring pinag-aaralan ang panukalang ilipat sa Setyembre ang umpisa ng pasukan mula Hunyo. 

Sa isang panayan, inihayag ni Assistant Secretary Tonisito Umali ng Legal and Legislative Affairs ng DepEd na marami pa ring argumentong pinag-aaralan ukol dito.

Pero noon aniya ay may isinagawang nationwide survey kung saan lumitaw na tanging tatlong rehiyon lamang na kinabibilangan ng Region III, VI at IX ang pabor na ilipat ang pasukan sa Setyembre.

Pero karamihan aniya ng mga guro, mag-aaral, magulang at maging local government officials ay kontra na ilipat ang pasukan sa Setyembre.

Paliwanag ni Umali, sa 202 school calendar days sa isang taon ay 180 school learning days ang inoobliga ng DepEd sa mga paaralan na dapat bunuin at mayroong 22 buffer days kung saan kinukuha ang class suspension, kompetisyon at iba pang selebrasyon.

www.rmn.com.ph

Pilipinas, mag-e-export ng raw sugar sa ibang bansa

July 30, 2011

LALO pang pinapalaki ng Pilipinas ang pag-e-export nito ng raw sugar sa ilang bansa sa Asya.

Nabatid na kayang makapag export ng bansa ng mahigit sa dalawang daang toneladang raw sugar sa world market ngayong taon.

Ayon naman sa Sugar Regulatory Administration (SRA) - malaki ang posibilidad na  kumuha ng Japan ng tinatayang tatlumpu’t pitong libong tonelada ng asukal…  habang ang Indonesia naman ay aabot ng walong libo at limang daang tonelada ng nasabing produkto.

Batay sa talaan ng SRA, noong Setyembre ng 2010 hanggang Agosto ng 2011 ay umabot sa 2.2 milyong tonelada ang demand ng bansa sa asukal habang ang produksyon nito ay nasa 2.39 million tonelada.

 www.rmn.com.ph

Alay Lakad ng Cabanatuan, kasado na

July 30, 2011

Kasado na ang taunang Alay Lakad ng Cabanatuan City Government. Magaganap ang Alay Lakad sa September 24, araw ng Sabado.

Ang tema ng Alay Lakad para sa taong ito ay "Kaunlaran ng Kabanatuan, Pakinabang ng Kabataan."

Magsisimula ang lakad sa City Hall Compound at magtatapos sa Plaza Lucero kung saan magaganap ang isang programa. Sa pulong na ipinatawag ng Alay Lakad Executive Committee, napagkasunduan din na simulan ang Alay Lakad sa ganap na alas-5 ng madaling araw.

Muling pangungunahan ni G. Crisanto Carlos, Jr. ang executive committee at secretariat naman ang City Social Welfare Development Office sa pamumuno ni Gng. Helen Bagasao.

Layunin ng Alay Lakad na makakalap ng pondo na magagamit ng pamahalaang panlungsod para sa kapakanan ng mga out-of-school youth.

VP Binay, seryosong tututukan ang kampanya kontra droga

July 30, 2011 | 12:00 NN

TINIYAK ni Vice-President Jejomar Binay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na seryoso niyang tututukan ang kampanya kontra droga.
 
Ito ang inihayag ni Binay sa kanyang talumpati sa ika-siyam na anibersaryo ng PDEA kahapon, kung saan inihalimbawa nito ang masaklap na sinapit ng tatlong OFW sa China na binitay noong Marso dahil sa droga.

Isa sa mga highlight ang pagbibigay ng mahigit isang milyong pisong pabuya sa dalawang impormante ng PDEA na tumuldok sa operasyon ng isang medium-scale shabu laboratory sa Lipa, Batangas at  sa pagka-aresto ng tatlong Chinese drug dealers noong Pebrero.

Kasabay nito ang panawagan ni Binay sa mga pribadong indibidwal na makipagtulungan sa PDEA hinggil sa iligal na aktibidad sa kanilang komunidad.

www.rmn.com.ph

Friday, July 29

CGMA, nailipat na sa ICU matapos operahan

July 29, 2011 | 5:00 PM

Nailipat na sa intensive care unit (ICU) ng St. Lukes Medical Center sa Global City, Taguig si dating pangulo at ngayo'y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo matapos sumalang sa delikadong operasyon sa kanyang cervical spine.

Sampung doktor ang nag-opera kay Arroyo na nag-umpisa kaninang alas 7:00 ng umaga.

Una nang ipinaliwanag ng mga doktor na maselan ang operasyon dahil aayusin ang mga naipit na ugat na responsable sa pandama mula sa balikat hanggang daliri at tamang rhythm ng paghinga saka isasagawa ang titanium implant sa bahagi ng cervical spine na nagkaroon ng problema.

www.dzmm.com.ph

Azkals, pinuri ng Malakanyang


July 29, 2011 | 5:00 PM

Pinuri ng Malakanyang ang Philippine Team Azkals sa kabila ng pagkalaglag nito sa World Cup Qualifier matapos matapos matalo ng Kuwait sa laban kahapon sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na pinatunayan ng Azkals ang kanilang katapangan at buong pusong pagbibigay ng kakayahan sa naturang laban.

Hinikayat ni Valte ang sambayanang Pilipino na ipagpatuloy ang suporta sa Azkals at iba pang atletang Pinoy. 


Nabigong maipanalo ng Azkals ang kanilang laban kontra Kuwait sa 2nd leg ng 2014 World Cup Qualifiers, sa score na 2-1. Eliminated na ang Team Azkals habang aabanse naman ang Kuwait sa 3rd round.

www.dzmm.com.ph

Ballot switching, iimbestigahan ng Kamara

July 29, 2011 | 12:00 NN

PINAREREBISA ng Kamara ang imbestigasyon sa  switching ng election returns noong 2005.
 
Ayon kay House speaker Feliciano Belmonte, inatasan na niya si House secretary Marilyn Yap na kunin ang records at anumang ebidensya na naiprisinta ng isagawa ang pagsisiyasat.

Pinagawan na rin ni Belmonte ang se­curity ng Kamara na mag­sagawa ng masusing ebal­wasyon sa lahat ng kanilang miyembro upang malaman ang loyalty ng mga ito.

Matatandaang ibinulgar ni Justice secretary Leila de Lima na may naganap na ‘break in’ sa House of Representatives, sa Batasang Pambansa Complex, upang ipagpalit ang mga ER at masabing nanalo talaga si Ginang Arroyo laban kay Fernando Poe. Jr noong 2004 presidential polls.

Sa ngayon, naniniwala si Belmonte na ang magagawa na lamang ng Kamara ay tiyakin na malinis at may integridad ang sinumang itatalagang security sa canvassing sa 2016 elections para hindi na maulit ang pandaraya.

www.rmn.com.ph

Wednesday, July 27

20 katao na ang patay sa bagyong Juaning

July 27, 2011

UMABOT na sa 20 katao ang namatay dahil sa bagyong Juaning habang 31 katao naman ang sugatan.

Ito ay ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Ayon pa sa NDRRMC, dahil sa bagsik ni bagyong Juaning, 9 na katao ang nawawala habang 30 katao naman ang buhay na nai-rescue.

Nabatid na 129, 576 na pamilya ang apektado ng nasabing bagyo sa buong bansa.

www.rmn.com.ph

Nanay ni gov. Salceda, pumanaw na

July 27, 2011 | 12:00 NN

Kinumpirma ni PAG-ASA director Graciano Yumul na binawian ng buhay ang ina ni Albay governor Joey Salceda matapos mabagok.

Sa isang interview kay provincial public safety and emergency management head Cedric Daet, kinumpirma niyang naglakad sa binahang bahagi ng bahay ng gobernador si Mrs. Cielo Adelina Sarte Salceda, 89 years old at aksidenteng nadulas ito na dahilan ng pagkakabagok nito.

Nadala pa sa pagamutan si ginang  Cielo pero binawian ito ng buhay ngayong umaga lamang dahil sa pagkakabagok.

Sa kabila ng nangyari, tuloy pa rin ang pag-tulong ni governor Salceda sa kanyang mga kababayan.

NE Gov suspends classes in all levels

July 27, 2011
Due to Typhoon Signal #2, Classes in pre-school, elementary, high school and college in Nueva Ecija are suspended as per Gov. Umali's announcement, 6:00 am, July 27, 2011.

Tuesday, July 26

Mga kinanselang flights dahil sa Bagyong Juaning, umabot na sa 28

Umabot na sa 28 domestic flights ang kinansela dahil sa Bagyong Juaning.

Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division Head Consuelo Bungag na 14 sa mga kinanselang biyahe ay mula sa Cebu Pacific Airlines habang tig-anim naman sa AirPhil Express at Zest Air at dalawang biyahe sa Philippine Airlines (PAL).

Ang mga apektadong biyahe ay patungong Catarman, Legazpi, Naga, Dumaguete at Calbayog.

Inaabisuhan ni Bungag ang lahat ng mga naapektuhang pasahero na makipag-ugnayan sa mga kaukulang airlines kung kailan mare-rebook ang kanilang biyahe.

Sa lalawigan ng Nueva Ecija, ipinaalala ng DepEd Division of Nueva Ecija na awtomatikong kanselado ang klase sa public at private pre-schools hanggat nasa ilalim ng Signal Number 1 ang lalawigan.


Ayon naman kay DILG Provincial Director Abraham Pascua, magpupulong mamayang gabi ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council upang mapaghandaan ang mga posibleng perwisyong ihatid ng bagyong Juaning sa Nueva Ecija.

Klase sa NCR at sa mga lalawigang apektado ni Juaning, sinuspinde ng DepEd


July 26, 2011 | 4:00 PM

Sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang klase sa maraming lugar na apektado ng Tropical Storm Juaning kabilang na ang Nueva Ecija.


Sa ipinalabas na advisory ng DepEd, kanselado na ang panghapong klase sa preschool, elementarya at high school sa Metro Manila, pampubliko man o pribado.

Otomatiko namang walang pasok sa preschool, public at private sa mga nasa ilalim ng Signal No. 1 sa mga lalawigan sa Region I, Region II, Cordillera Administrative, at Region III.

Sa Region IV-A, inanunsyo ni Cavite Gov. Juanito Victor "Jonvic" Remulla ang suspensyon ng mga klase sa ilang bayang kanyang nasasakupan.


Dahil din sa malakas na buhos ng ulan, sinuspinde ang mga klase sa preschool, elementary, at high school sa San Pablo City, Laguna; at Lipa City, Batangas.

Sa Region V, suspendido ang klase sa preschool, elementary, at high school sa lahat ng lalawigan doon, pampubliko man o pribado.

Azkals, balik ensayo na

July 26, 2011 | 5:00 PM

BALIK ensayo na uli ngayong araw ang Philippine foootball team Azkals upang paghandaan ang laban nila kontra Kuwait Al-Azraq sa home game sa July 28 sa Rizal Memorial Sports Complex para sa second leg ng World Cup Qualifiers.

Makakasama na rin muli sa ensayo ang suspendidong sina Midfielder Stephan Schrock at team captain Aly Borromeo.

Ayon kay Azkals coach Michael Weiss, malaking tulong ang dalawa sa kanilang pagbabalik dahil mas lalo nitong papalakasin ang line up ng national team.

Maaalalang nabigyan ng 1-game suspension sina Schrock at Borromeo matapos na makakuha ng dalawang yellow card sa kanilang laban noon sa Sri Lanka.

www.rmn.com.ph

CGMA, ooperahan dahil sa problema sa kaniyang cervical spine

July 26, 2011 | 3:00 PM

Isasailalim sa agarang operasyon si dating pangulo at ngayo'y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa problema sa kaniyang cervical spine or pinched nerve. Ito rin ang dahilan ng kanilang pagkaka-ospital noong nakaraang buwan, kung saan kinailangan niyang magsuot ng nect brace.

Sinabi ni Dr. Juliet Cervantes, ang attending physician ni Arroyo, na inirekomenda ng mga doktor ang agarang pag-opera sa kongresista dahil posibleng magdulot sa pagka-paralisa.

Una nang isinugod kahapon ng hapon sa Saint Luke's Medical Center-Global City si Arroyo dahil sa pananakit ng leeg.

Ayon kay Cervantes, sumasailalim na sa mga work-up bilang paghahanda sa kaniyang operasyon si Arroyo.

Inamin ni Cervantes na delikado ang magiging oeprasyon dahil may mga sensitibong ugat sa spinal cord na siyang nagpapagalaw sa braso at kamay ng dating pangulo. 


www.dzmm.com.ph

CSR, nakatakdang basahin sa 5th Congress

July 26, 2011 | 12:00 NN

NAKATAKDANG isalang sa ikalawang pagbasa ngayong 2nd Regular Session sa 15th Congress ang Senate Bill No. 1239 o mas kilala bilang corporate social responsibility (CSR) na akda at inihain ni sen. Manuel Villar.

Layon ng nasabing panukala na obligahin ang matatagumpay na korporasyon sa bansa na tumulong sa mahihirap na sector ng lipunan sa halip na solohin ang kanilang kita sa mga negosyo.

Giit ni sen. Villar, hindi kakayanin ng gobyerno na mag-isang pasanin ang responsibilidad sa mamamayan at sa kapaligiran kaya kinakailangan ang tulong ng private sectors.

Bilang kapalit sa pakikiisa sa nasabing panukalang batas, bibigyan ang mga higanteng kumpanya ng tax incentives kapag gumastos para sa charitable projects tulad ng youth and sports development; cultural o educational purpose; serbisyo sa mga beterano at senior citizen; social welfare; environmental sustainability; pangkalusugan at disaster relief at assistance.

www.rmn.com.ph

Kampanya kontra wang-wang, ipagpapatuloy ni PNoy

July 26, 2011 | 12:00 NN


Sumentro sa pagbabago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo kung saan binalikan niya ang naging epekto ng pagbabawal sa paggamit ng wangwang na nagbigay daan para mahinto na ang umano'y pag-abuso at mga katiwalian ng tinawag niyang mga utak wang-wang noong nakaraang administrasyon.

Inihalimbawa ng Pangulo ang pagbili ng helikopter sa presyong brand new gayong gamit na gamit na pala at ang milyon-milyong pabuya na tinanggap ng mga opisyal ng Government Owned and Controlled Corporation (GOCC), ang pagpapatigil ng dredging sa Laguna Lake at ang food-for-school program na bara-bara lang ang paghahanap ng benepisyaryo. 

Ibinunyag din niya ang ilang anomalya gaya ng P1 bilyong nagastos umano ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOr) para lang sa kape.

Ipinagmalaki rin naman ng Pangulo ang mga nagawa na ng kanyang administrasyon sa isang taong panunungkulan.

Kabilang dito ang nabawasang bilang ng mga pamilyang nagugutom, pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, at ang pagbabalik na ng kumpiyansa ng mga namumuhunan sa energy sector.

Inisa-isa rin niya ang pabahay na naipamahagi sa mga pulis at sundalo na palalawakin na maging sa Visayas at Mindanao at target na ring mabiyayaan maging ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Binanggit din niya ang nabiyayaan na ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o Conditional Cash Transfer na ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mga nagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng PAGASA sa pagbibigay ng maaasahang mga babala.

Hindi na rin aniya aasa sa pag-angkat ng bigas ang bansa dahil sa mataas na ani ng palay.

Ibinida rin ng Pangulo ang pagkilala ng ibang bansa sa nagawa ng administrasyon gaya ng apat na beses na pag-upgrade ng credit ratings ng Pilipinas, dahilan para lumiit ang interes ng binabayarang utang at ang pagkakatanggal ng bansa sa Tier 2 watchlist ng trafficking in persons report ng Amerika.

Sa kanyang 58 minutong SONA, 50 beses pinalakpakan ang Pangulo, pinakamalakas nang ianunsyo niya ang paghirang kay retired Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales bilang bagong Ombudsman at ang isyu ng Spratlys.

www.dzmm.com.ph

Bagyong Juaning, tropical storm na (UPDATE)

July 26, 2011 | 12:00 NN

NAGING tropical storm na ang bagyong Juaning.


Ayon kay DOST-PAGASA usec. Graciano Yumul lalu pang lumakas at bumilis ang bagyong Juaning kung saan malaki ang posibilidad na lumihis ang bagyo.

Aniya, kung walang pagbabago sa direksyon ang bagyong Juaning na west northwest ay tatama ito sa Aurora Isabela.

Gayon pa man ay sinabi rin ni Yumul na may posibilidad pa ring magbago ang direksyon nito papuntang west north kung saan tatama ito sa Central Luzon at makakaapekto sa Metro Manila.

Nasa signal no. 2 na ang Kabikulan, kabilang ang Cataduanes, Camirines Sur, Camarines Norte at Albay habang nasa signal no. 1 pa rin ang Northern Luzon.

Samantala, bukod sa buong Bicol at Lipa, kinansela na rin ang klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan mula kinder hanggang high school sa National Capital Region.

www.rmn.com.ph

Monday, July 25

Team Azkals, dumating na sa bansa


July 25, 2011 | 3:00 PM

Dumating na sa bansa ang Philippine Azkals kagabi mula sa naging laban nila sa Kuwait.

Mahaba ang naging biyahe ng grupo dahil mula Kuwait, dumaan muna sila ng Dubai at muling bumiyahe ng siyam na oras hanggang Maynila.
 

Magpapahinga muna ang team ngayong araw at pag-aaralan ang nakaraan nilang laban saka muling sasabak sa ensayo para sa muli nilang paghaharap ng Kuwait sa Huwebes, Hulyo 28 sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Determinado ang Philippine team na manalo at buo ang kanilang pag-asa dahil makakapaglaro na sina Stephan Schrock at team captain Aly Borromeo.

Nasa bansa na rin naman ang team Kuwait na aminadong nahirapan sa Azkals pero determinado umano silang muling talunin ang koponan ng Pinoy.

www.dzmm.com.ph

Minorya, hindi tiyak kung marami ang pupunta sa kanila sa SONA

July 25, 2011 | 3:00 PM

HINDI naman sigurado ang minorya kung ang lahat ba ng miyembro nila ay dadalo sa SONA ni pangulong Benigno Aquino III ngayong araw.
 
Ayon kay deputy minority leader at Zambales rep. Mitos Magsaysay bagamat tiyak na dadalo siya sa SONA at kahit pa hindi nabibigay sa kanila ang pork barrel ay hindi naman masabi kung ang lahat ba sa minorya ay pupunta dito.

Aniya, may kanya-kanya naman kasing desisyon ang bawat isa at dahilan kung sakaling hindi makadalo upang saksihan ang ulat ng pangulo sa bayan.

Mahalaga aniya ay marinig ng publiko kung ano ba ang mga na-accomplished na gawain ng pangulo sa loob ng isang taon at mga plano nito sa bansa sa kanyang ikalawang taon bilang pangulo.

Sa panig ng minorya, tanging si Pampanga rep. Gloria Arroyo lamang ang nagpaabiso na hindi na pupunta sa SONA ni PNoy.

Mapapakinggan ng live ang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa simulcast broadcast ng 101.5 BiG SOUND fm at 1188 DZXO am.


www.rmn.com.ph

PNoy, hindi magpapa-impress sa SONA

July 25, 2011 | 12:00 NN

WALANG planong magpa-impress si pangulong Benigno Noynoy Aquino III.



Ito ang bwelta ng Malakanyang hinggil sa mga binabatong isyu na puro pambobola lang ang sasabihin ni pangulong Aquino sa kanyang State of the Nation Address mamaya.

Giit pa ng Malacañang bahala na ang mga boss ni PNoy na humusga sa bigat at saysay ng sasabihin ni pangulong Aquino.

Nilinaw din ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte gusto lang i-report ni PNoy ang totoong estado ng bayan.

Kinumpirma naman ni presidential Communications Group secretary Ricky Carandang na mas mahaba sa karaniwang speech ni pangulong Noynoy ang kanyang State of the Nation Address.

Sinabi ni Carandang na “pagbabago” o "social transformation" ang tema ng SONA dahil hangad ng pangulo na sumulong na ang bansa.

Wait and see naman si Carandang sa mga balitang ipapakilala na ni PNOY ang bagong ombudsman sa SONA.

Samantala, ayon kay Carandang, naiintindihan ng Malakanyang ang hindi pagdalo ni dating pangulong Gloria Arroyo sa SONA dahil aniya wala namang sinuman ang gustong nakaharap habang binabatikos sa talumpati.

www.rmn.com.ph

Saturday, July 23

CCF nagsagawa ng kanilang lauching forum sa Climate Change

July 23, 2011 | 3:00 PM

Bilang paglulunsad ng Citizen's Consultative Forum, nagsagawa ang naturang people's organization ng Climate Change Forum kaninang umaga sa National Irrigation Administration Conference Room sa Lungsod ng Cabnatuan.

Ang Climate Change Forum na may temang "Nove Ecijano, Handa Ka Na Ba sa Climate Change?" ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa pamahalaang panlalawigan, NGOs gaya ng Rotary Club, religious groups, grupo ng mga magsasaka, media, Nueva Ecija University of Science and Technology Student Council at Central Luzon State University Supreme Student Council.

Panauhing tagapagsalita si Dr. Reymundo Sarmiento ng PSEDO na kumatawan kay Governor Aurelio Umali.

Ipinagmalaki ni Dr. Sarmiento ang kahandaan ng lalawigan ng Nueva Ecija sa mga sakunang hatid ng pagbabago ng klima. Patunay aniya rito ang mga nakaraang pagbagyo at pagbaha kung saan zero casualty ang ating lalawigan dahil sa mabilis na aksyon ng pamahalaang panlalawigan.

Hiniling din ng groupong CCF ang pagreview at pagpapatupad ng Provincial Ordinance Number 01-s-2009 o ang Environment Code of Nueva Ecija na inakda ni dating 3rd District Board Member Raqueliza Agapito.

Nais din ng grupo na gawing plastic-free ang buong Nueva Ecija at palawigin pa ang kampanya upang mapangalagaan ang kapaligiran at labanan ang climate change.

Ang Climate Change Forum ng CCF ay naisagawa sa pakikipagtulungan ng Green Force, Scottish Rite, Cabanatuan Bodies at ng NIA UPRISS.

Percy Tabor
BiG SOUND fm and DZXO Newsteam





Agosto 29 at 30, idineklarang holiday ng Malakanyang


July 23, 2011 | 5:00 PM

Makakaranas ng long weekend ang bansa sa huling linggo ng Agosto.

Inanunsyo ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na non-working day sa Agosto 29, Lunes na National Heroes Day.

Habang holiday din sa Agosto 30, Martes na Eid'l Fitr o pagtatapos ng Ramadan para sa mga Muslim. 

www.dzmm.com.ph

DFA, kinumpirmang walang Pinoy na nasawi sa Norway

July 23, 2011 | 3:00 PM

INUMPIRMA ngayon ng Dept. of Foreign Affairs na walang pilipinong nadamay sa naganap na pag-atake ng terorista sa Norway.
 
Sinabi ni DFA Spokesman Raul Hernandez sa inisyal nilang pakikipag ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa Oslo ay walang Overseas Filipino Worker ang napabilang sa may labing pitong nasawi sa bomb at gun attack.

Sa kasalukuyan ay mahigpit ng naka-monitor ang mga opisyal ng Phil. Embassy sa mga pinakahuling kaganapan sa nasabing lugar.

Tinatayang aabot sa labing dalawang libong pinoy ang nakabase sa norway na pawang mga nurse at engineer.

www.rmn.com.ph

Friday, July 22

NCRPO, naka-heightened alert na para sa SONA sa Lunes

July 22, 2011 | 3:00 PM

Naka-heightened alert na ngayon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa nakatakdang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa Lunes, July 25.

Sinabi ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo na sa Linggo, ilalagay na ang pulisya sa full alert sa Linggo kung saan ikakalat nila ang 7,000 pulis sa buong Metro Manila para masigurong magiging payapa ang SONA.

Sa Maynila, nakataas na sa full alert ang Manila Police District kaninang alas 12:00 ng tanghali bilang paghahanda rin sa SONA.

Sinabi ni MPD Spokesperson Erwin Margarejo na 1,800 pulis ang ikakalat sa buong lungsod bilang bahagi ng Task Group West ng NCRPO Task Force Kapayapaan para matiyak na hindi sila malulusutan ng mga taong maaaring magsamantala sa okasyon.

Kabilang aniya sa kanilang babantayan ang LRT stations, Pandacan Oil Depot, US Embassy, Malakanyang at iba pang matataong lugar.

Muli namang tiniyak ni Margarejo na paiiralin ng pulisya ang maximum tolerance sa pagharap sa kaliwa't kanang kilos-protesta ng mga militanteng grupo na inaasahang sasabay sa SONA.

www.dzmm.com.ph

Reporma sa POEA iniutos ng Labor secretary

July 22, 2011 | 3:00 PM

Iniutos ni Department of Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz, na ipatupad ang mga reporma sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa kapakanan ng mga overseas Filipino Worker (OFWs).

Pag-amin ng kalihim, nagkakaroon ng epekto sa institusyon ang mga ulat at alegasyon tungkol sa kapabayaan ng ilang opisyal at kawani ng POEA sa pagtugon sa pangangailangan ng mga migranteng manggagawa.

Tiniyak din ni Baldoz na aaksyunan ang mga reklamo ng katiwalian laban sa mga opisyal at kawani ng POEA, alinsunod na rin sa kampanya ng pamahalaan kontra sa korupsiyon.

Kabilang sa mga reporma na nais ipatupad ng kalihim sa POEA ay pabilisin ang pagproseso sa mga dokumento ng mga OFW.

Nais din ni Baldoz na magpatupad ng computer-based Pre-Departure Orientation Seminars o PDOS, at limitahan ang partisipasyon ng mga pribadong sektor (tulad ng mga bangko) tungkol sa usapin ng PDOS.

Susuriin ding mabuti ang mga kaso at reklamo sa mga recruitment agency bago pagkalooban muli ng lisensiya para mag-operate.

Umaasa ang opisyal na higit na mapapahusay ang pagsisilbi ng POEA sa mga OFW kapag naipatupad ang mga reporma sa ahensiya.

www.gmanews.tv

Dating Pangulong Arroyo, naghain ng counter-affidavit sa plunder case

July 22, 2011 | 12:00 NN

Naghain na ng counter-affidavit si dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo sa Department of Justice kaugnay ng kasong plunder na isinampa ni dating Solicitor General Frank Chavez.

Dumating si Arroyo sa DOJ kasama ang abogado niyang si Attorney Benjamin Santos bago pa magsimula ang office hour.

Tumagal lamang ng 22 minuto ang panunumpa ni Arroyo sa inihaing 44 na pahinang counter-affidavit sa tanggapan ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva.

May kinalaman ang kaso sa 550 million pesos na umanong paglustay sa pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Closed door ang ginawang pagsusumite ng counter-affidavit ng dating pangulo pero nagpaunlak ito sa pagpapa-picture ng ilang empleyado ng DOJ sa paglabas niya sa opisina ng state prosecutor.

Bukod sa dating pangulo, respondent din sa kasong plunder sina Secretary Alberto Romulo na noo'y Executive Secretary ni Arroyo, dating OWWA Administrator Virgilio Angelo at dating Philhealth President Francisco Duque III at walong iba pang miyembro ng board of trustees ng OWWA.

www.dzmm.com.ph

Thursday, July 21

CBCP Website, muling na hack

July 21, 2011 | 5:00 PM


Isa sa mga website ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP ang muling na hack, kung saan binago nito ang anyo ng buong web page. Ikatlong beses na itong nangyari sa CBCP simula November 2010.

Isang nakakatakot na mukha ng tao sa black background ang gumulat sa mga bumisita sa website ng CBCP Episcopal Commission on Health Care.

Kapag binita ang kanilang website na www.cbcphealthcare.org, mababasa rin ang mensaheng "Hacked by Aseroh, You Must Be Better In The Next Time".

Wala namang indikasyon na may kinalaman ang ginawang hacking sa pro-life plans ng CBCP dahil ang focus ng naturang website ay health care at hindi pro-life activities.


Una nanag nahack ang naturang website noong November 27, 2010 at sinundan noong June 9, 2011.


Rally sa SONA, luma na

July 21, 2011 | 5:00 PM

PINAYUHAN ng Malacañang ang mga militanteng grupo na pakinggan na lamang ang mga sasabihin ni pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa kanyang State of the Nation Address sa darating na lunes.

Ito ay dahil sa mga inaasahang kilos protesta na gagawin sa araw ng SONA ni pangulong Aquino kung saan sinabi naman ni Bayan Muna representative Renato Reyes na wala namang pagkakaiba ang administrasyong Arroyo sa kasalukuyang adminitrasyon.

Iginiit naman ni presidential spokesman Edwin Lacierda na wala namang bago sa mga ganitong kilos ng mga militanteng grupo.

Nabatid na walang administrasyong lumipas na walang kinokontra ang mga militanteng grupo.

www.rmn.com.ph

Kudeta at people power, tiniyak na hindi mangyayari

July 21, 2011 | 5:00 PM

TINIYAK ni senator Gringo Honasan walang magaganap na kudeta o people power laban kay pangulong Benigno Aquino III.

Ito ay sa kabila ng panawagan ni retired marine colonel Generoso Mariano ng pagbabago sa gobyerno.
Iginiit ni Honasan na walang dahilan para para mag-aklas ang mga sundalo sapagkat inaaksyunan naman ng Aquino administration ang kanilang inireklamo noon tulad ng katiwalian at kahirapan.

Maliban dito, sinabi ni Honasan na mayroon na ring grievance mechanism ang militar para sa mayroong sentimyento, nagtitiwala na ang mga whistleblowers sa gbyerno at may nakaka-diretso pa kay pangulong Noynoy para magsumbong o magpatulong.

Ayon kay Honasan, walang dapat ipagpanic dahil masyado pang maaga para mabuo ang anumang hakbang laban sa Aquino adminitrasyon na higit isang taon pa lamang sa termino.

www.rmn.com.ph

Madalas na pag-brownout sa Luzon, posible

July 21, 2011 | 3:00 PM

KINUMPIRMA ng Department of Energy ang naka-ambang power shortage sa bansa.

Sa interview ng DZXL, sinabi ni DOE undersecretary Jay Layug na malaki ang posibilidad na magkaroon ng madalas na pag-brownout partikular na sa Luzon.

Ngunit pag-titiyak ni Layug, gumagawa ng paraan ang Energy department para masulusyonan ang power shortage.3
Nabatid na sa ngayon ay on-going ang paggawa ng karagdagang power plant.

www.rmn.com.ph

Mga trabaho para sa mga tambay na nursing grads, pinaplano na

July 21, 2011 | 12:00 NN

NILULUTO na sa Kamara ang special local jobs plan para sa dumaraming tambay na nursing graduates sa bansa.

Base sa talaan ng Department of Health, sa ngayon ay nasa 200,000 nursing graduates na ang wala pa ring trabaho.

Sa House Bill 4582 ni LPGMA partylist rep. Arnel Ty, nais nitong palawakin pa ang bersyon ng Nurses Assigned in Rural Service o NARS para makabuo ang kongreso ng jobs plan para sa mga ito.

Ang NARS program ay isang short-lived project ng pamahalaan kung saan ipapadala ang mga nurse sa sa mahihirap na probinsiya sa bansa.

Sa nasabing panukala, hihilinging magkaroon ng special program ang pamahalaan para mabigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang mga unemployed nurse kahit 10,000 practitioners lamang kada taon.

www.rmn.com.ph

On E-Commerce Ethics

by Percy Tabor


Question:
E-Commerce security is plagued with ethical issues on responsibility. If fraud occurs, whose fault is it? Is it the business's fault for not securing their information correctly? Is it the consumer's fault for assuming that the technology used is secure? Is it the criminal's fault for stealing information, even if the information was being sent in the clear? Or is it a combination of the three?

My Answer:
There may be some perspective by which we can analyze this kind of problem.

A merchant (or the system administrator), trying to scam his/her costumers by disguising himself/herself as a legitimate online store. Seems it’s his fault. The merchant may be the criminal.

On the other hand, here comes an online buyer trying to acquire some items in an online store. This buyer made some fraudulent orders, or played around the system by filling out the form with inconsistent information especially with his/her credit card. Without careful analysis by the online store owner, the fraudulent orders will be shipped without getting any payment for it. Seems it’s his fault. The consumer may be the criminal.

Now there’s an imperfect online store system. Glitches and bug everywhere. There, neither good deal nor good transaction are being done. Both the merchant and the buyer complain of something. They are both victims of a defective system. Seems it’s the machine’s fault. The machine may be the criminal.

Now let’s identify the problem in this problem.

There are a lot of definitions for ethics out there. But the key word for most would be “human conduct”. No machine or an act of a machine should be questioned as far as ethics or morality is concerned. There is no such thing as machine ethics, technology ethics, or system ethics. Machines deciding on what is right and wrong is a Hollywood fiction. The human behind the machine is the real thing, and must be the main focus of ethics – in identifying who made lapses in judgment.

There we remove the system in the picture. It is now only between the two – the merchant (who may be the criminal) and the consumer (who may also be the criminal).

Whatever the situation may be in an online business, it always boils down to the merchant. It is him/her who put up the store, chose the system and technology to run it, the way the items will be delivered, and the way the payment will be collected. Be him/her (the merchant) as the criminal, or as the victim, it is his/her fault. It is his/her responsibility. It is the merchant who should learn the lesson on how to do e-commerce the next time around. The merchant is the human behind the scene, and behind the machine.

Wednesday, July 20

CELCOR: Sumacab Este, Sur Hi-Way mawawalan ng kuryente

July 20, 2011 | 5:00 PM

Pinapaalam ng Cabanatuan Electric Corporation na mawawalan ng kuryente sa Maharlika Highway, Sumacab Este at Sumacab Sur.

Ang power interuption sa mga nasabing lugar ay magaganap sa Biyernes, ika-22 ng Hulyo mula 8:45 AM hanggang 12:00 NN.

Ayon sa CELCOR, maaaring magkaroon ng kuryente nang mas maaga sa nabanggit na oras.


BiG SOUND and DZXO Newsteam

Accomplishment ng Aquino Administration, hindi isasama sa SONA

July 20, 2011 | 5:00 PM

POSIBLENG hindi na isama sa nilalaman ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ang ilan sa mga nagawa ng kanyang administrasyon.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Sec. Herminio SonnyColoma, nagkaka-problema kasi sila kung paano ipagsasama-sama ang mga accomplishment ng Aquino Administration, gayong gusto ni Pangulong Aquino ng maikling talumpati.

 Kaya naman pili lang aniya ang mga isasama sa sona ng Pangulo at ilalagay na lamang sa ipapamahaging report ang ibang nagawa ng administrasyon.

 Nabatid na halos isang buwan ng pinaghahandaan ng Malacañang ang nilalaman ng SONA ni PNoy, ngunit ilan sa mga malalaking nagawa ng administrasyon ay hindi na maisa-sama.

www.rmn.com.ph

4 na hinihinalang holdaper ng bus, patay sa engkwentro sa Nueva Ecija

July 20, 2011 | 3:00 PM


Patay sa engkwentro ang apat na hinihinalang holdaper sa Santo Domingo, Nueva Ecija.

Batay sa inisyal na ulat, sinabi ni PNP Region 3 Director, Chief Superintendent Ed Ladao na hinoldap ng grupo ang isang Baliwag Transit Bus sa bahagi ng Malasin Village.



Nakarating naman agad ang impormasyon sa Santo Domingo Police kaya mabilis silang nakaresponde

Nahuli ng pulisya ang mga suspek sa Barangay Burgos kung saan naganap ang shootout bandang alas-4 kaninang madaling araw.

www.dzmm.com.ph

Mayor Sara Duterte, may pagkakamali sa ginawang pagsapak sa sheriff – DILG

July 20, 2011 | 3:00 PM

Lumitaw na guilty sa "conduct unbecoming of a public official" si Davao City mayor Sara Duterte kaugnay sa pagsuntok nito sa court sheriff ng lungsod, batay sa isinagawang imbestigasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa panayam ng media nitong Martes, sinabi ni Interior Secretary Jesse Robredo, na nakapaloob sa 18-pahinang ulat ng DILG fact-finding committee ang rekomendasyon na sampahan ng kasong administratibo si Duterte.

Ito ay kaugnay sa ginawang pagsuntok ni Duterte kay Court sheriff Abe Andres noong July 1 nang maganap ang marahas na demolisyon sa nasabing lungsod.

Nauunawaan umano ng DILG ang hangarin ni Duterte na maiwasan ang karahasan sa demolisyon pero hindi umano nararapat ang ginawa nitong pananakit kay Cruz.

Bukod dito, lumitaw din sa ginawang pagsisiyasat ng DILG na may pagkukulang din ang lokal na korte sa Davao city kaugnay sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa demolisyon.


Maaaring daw hindi nag-abot ang sheriff at ang mayor kung sinunod ng korte ang 30 days notice at hindi sila nag-apura.

Nakasaad din sa ulat ng fact-finding committee ng DILG na dapat ikinunsidera ng korte ang "extraordinary external circumstances" sa lungsod na katatapos lang mapinsala ng flash flood.

Sinabi ni Robredo na ipadadala ng DILG ang kopya ng ulat ng fact-finding sa Office of the Ombudsman dahil dito isinampa ng Sheriffs Confederation of the Philippines ang reklamo laban kay Duterte.

Bukod dito, nahaharap din sa disbarment case si Duterte sa Integrated Bar of the Philippines.

Sa kabila nito, sinabi ni Robredo na hindi pa rin masususpind sa ngayon si Duterte dahil wala namang pormal na reklamong inihahain sa DILG laban sa alkalde ng Davao city.

www.dzmm.com.ph

Zaldy Ampatuan, pinayagang makalabas at makapagpa-check-up

July 20, 2011 | 12:00 NN

MAKAKALABAS at makakapagpacheck-up na si dating ARMM governor Zaldy Ampatuan.

Ito ay matapos payagang pansamantalang makalabas ng Quezon City Regional Trial Court.

Magpapa-check up si Zaldy Ampatuan sa Philippine Heart Center sa Quezon City at hinihintay na lamang ng nasabing pagamutan ang kopya ng QC-RTC Branch 221 kung saan pinapayagan itong magpa-check-up.

Matatandaan na una nang hiniling ng kampo ni Zaldy sa korte na maipasuri ang kanyang kalusugan sa St. Lukes Medical Center, pero tumanggi naman ang pamunuan ng St. Luke’s sa dahilan na may kaugnayan sa isyu ng pangseguridad.

Si Zaldy Ampatuan ay isa sa mga itinuturong responsable sa karumal-dumal na Maguindaao Massacre noong taong 2009 Maguindanao Local Elections.

57 katao ang pinatay ng sinasabing private army ng pamilya Ampatuan kung saan kabilang sa mga ito ang 32 mamamahayag.

www.rmn.com.ph

Tuesday, July 19

Central payroll system sa mga empleyado ng pamahalaan, ipapatupad na sa susunod na taon

July 19, 2011 | 5:00 PN

Ipatutupad na ang central payroll system sa pamahalaan sa susunod na taon upang tuluyang masugpo ang katiwalian. 

Sinabi ni Budget Secretary Florencio Abad na uunahing ipatupad ang central payroll system sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang pilot project sa pamamagitan ng procurement card sa halip na gumamit ng cash.

Sa ilalim ng central payroll system, hindi na daraan sa mga ahensya ng pamahalaan ang sweldo ng bawat empleyado sa halip, idedeposito na lang ng National Treasury ang sweldo sa bank accounts ng mga empleyado.

Tiniyak ni Abad na hindi na mauulit ang non-remittance sa Government Service Insurance System (GSIS) na umaabot sa P9 bilyon, dahilan upang hindi makautang ang mga guro sa bansa.

www.dzmm.com.ph

Rotary, nagsagawa ng Seminar Workshop for Teaching Science sa Cabanatuan

July 19, 2011 | 12:00 NN

Ginanap sa Department of Education Reg 3 Division of Cabanatuan City ang isang pagsasanay para sa pagtuturo ng Agham na inorganisa ng Rotary International District 3770, Philippines, Rotary Clubs of Nueva Ecija Area 6 at Area 7.

May 125 science teachers ang dumalo sa Seminar-Workshop for Teaching Science na karamihan ay mula sa Cabanatuan City. Ilang partisipante rin ang nagmula sa Gapan City, Peñaranda, at Aliaga.

Ang mga naging tagapagsalita sa pagsasanay na ito ay mula sa 5-member volunteer ng Vocational Training Team ng Rotary International District 5020, USA and Canada sa pangunguna ni Rotarian Glynn Currie. Kasama ni Rotarian Glynn ang mga Canadian science teacher na sina Colleen Devlin, Karin Farquhar, Shanon Foreman at ang Amerikanong si Nancy Mouat-Rich.

Ang serye ng Seminar-Workshop ay may layong madagdagan ang kaalaman ng mga guro sa ating lalawigan at mai-adopt ang mga epektibong pagtuturo ng agham na ginagawa sa bansang Amerika at Canada.

Ang Rotary International ay nagsimula ng kanilang bagong rotary year ngayong buwan sa temang "Reach Within To Embrace Humanity" kung saan ang District 3770 ay pinamumunuan ni District Governor Corina Bautista. Ang Area 6 ay pinangungunahan ni Assistant Governor Edsel Dominado at binubuo ng Rotary Clubs of Cabanatuan City, Cabanatuan East, at Cabanatuan West. Ang Area 7 ay pinangungunahan ni Assistant Governor Rey Diego at binubuo ng Rotary Clubs of Gapan at Peñaranda.

Ang Seminar Workshop for Teaching Science ay naisagawa ng Rotary sa pakikipagtulungan ng DepEd Division of Cabanatuan City sa pamumuno ni Division Schools Superintendent Malcolm Garma.

Samantala, gaganapin mamayang gabi ang Induction Ceremonies ng Rotary Club of Cabanatuan East sa pangunguna ni President Ian Dizon.

Percy Tabor
BiG SOUND and DZXO Newsteam

Monday, July 18

Pilipinas, inulan ng suporta kaugnay sa Spratly issue

July 18, 2011 | 12:00 PM

INULAN ng suporta ang Pilipinas hinggil sa isyu ng pinagaagawang Spratly Islands.

Ito ay matapos ihain sa House of Representatives ng Amerika ang House Resolution No. 352 na nanawagan para sa “peaceful and collaborative resolution of maritime territorial disputes in the South China Sea and its environs and other maritime areas adjacent to the East Asian mainland”.

Ang nasabing panukala sa Amerika ay sinuportahan ng 27 mambabatas kung saan na nag-co-sponsor sa resolusyon ang mga ito.

Kinabibilangan din ito ng 18 republicans at 9 na democrats.

Base sa naturang resolusyon, suportado ng Amerika ang mapayapang, multi-lateral settlement sa alitan sa Spratly.

Nakalagay din sa naturang resolusyon ang pahayag ng US na handa itong tulungan ang Pilipinas para imo­dernisa ang militar.

Dahil sa suportang ipinakita ng Amerika ay mas lalong tumibay ang kumpiyansa ng Pilipinas para maangkin ng tuluyan ang Spratly islands.

www.rmn.com.ph

TESDA, mag-aalok ng libreng language review classes sa mga apektado ng Saudization

July 18, 2011 | 12:00 NN

Mag-aalok ng libreng laguange review classes ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na maaapektuhan ng "Saudization" program ng Saudi Arabia.

Sinabi ni TESDA Director General Joel Villanueva na naglaan na sila ng P5 milyon para mabigyan ng libreng English language review classes ang mga kwalipikadong OFW.

Bukas aniya ang review classes para sa mga OFW na nais magtrabaho sa Australia at Canada na nauna nang tinukoy ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may mga trabahong bukas para sa mga Pinoy.


www.dzmm.com.ph

Saturday, July 16

Bagyong Hanna, nakalabas na ng PAR; panibagong bagyo, inaasahang papasok


July 16, 2011 | 5:00 PM

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression Hanna habang patuloy na kumikilos pa-Hilagang-Silangan.

Pinakahuling namataan ito sa layong 1,265 kilometro Hilagang-Silangan ng Virac, Catanduanes.
May taglay itong lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Kumikilos ito pa-Hilagang Silangan sa bilis na 24 kilometro bawat oras.

Tinataya ang Bagyong Hanna sa layong 1,130 kilometro Silangan Timog-Silangan ng Okinawa, Japan mamayang gabi at inaasahang sasanib ito sa panibagong bagyo na may international name na "Ma-on" sa loob ng 24 oras. 

Kapag nakapasok na ito ng PAR ay tatawagin itong Bagyong Ineng na magiging mas malakas.

Inaasahang mamayang gabi o bukas ito papasok ng PAR.

Ayon kay Aldzar Aurelio ng PAGASA na kapag nakapasok ng PAR ang Bagyong Ineng ay posibleng higupin nito ang habagat na siyang maaaring makaapekto sa Luzon at Visayas, at magdadala ng mga pag-ulan. 

Sinabi ni Aurelio na medyo maganda ang panahon ngayon at walang epekto si Hanna at Ma-on maliban lang sa mga isolated na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

www.rmn.com.ph

Tourist arrival ng bansa, tumaas, ayon sa DoT

July 16, 2011 | 3:00 PM

BAHAGYANG tumaas ang tourist arrival ng mga dayuhang turista sa bansa sa unang limang buwan ng taong kasalukuyan ayon sa Department of Tourism (DoT).
 
Sinabi ni DoT Sec. Alberto Lim na higit 12% o katumbas ng 1.6-milyong turista ang itinaas ng tourist arrival sa bansa mula Enero hanggang Mayo.

Bunga nito, kumpiyansa ang kalihim na makakamit ng DoT ang target nitong 3.74 milyong tourist arrival sa bansa para sa taong 2011.

Kabilang naman sa mga bansang may maraming turistang dumadayo sa Pilipinas ay mula sa South Korea, Estados Unidos at Japan.

www.rmn.com.ph

Isang brand ng mouthwash, ni-recall sa mga pamilihan

July 16, 2011 | 12:00 NN

PINAYUHAN ng Food and Drugs Administration ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan kung nakabili man o nakagamit ng Oral-B Tooth and Gum Care Alcohol Free Mouth Rinse.


Ito'y matapos boluntaryong pina-recall ng Procter and Gamble Philippines Incorporated (P&G) ang isang batch ng nasabing produkto dahil sa nakitang mikrobyo dala ng kontaminasyon.

Dahil dito ay pinaalalahanan ni FDA Acting Director Suzette Lazo ang mga mamamayan na huwag nang bilin ang naturang produkto dahil posible itong makaapekto sa taong mayroong mababang immune system.

Nabatid na ang nasabing mouthwash ay ginawa at nagmula sa Retycol, Columbia.

www.rmn.com.ph

Friday, July 15

Mga may kapansanan, muling pinaalalahanan ng Comelec na magparehistro na para sa 2013 elections

Muling pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga may kapansanan na magparehistro sa Lunes, Hulyo 18 hanggang sa Sabado, Hulyo 23 para sa halalan sa 2013.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang naturang mga petsa ang pinakamainam na panahon para magparehistro o magpa-revalidate ang mga persons with disability PWD.

Bukod sa pagpaparehistro, aalamin din ng Comelec ang lahat ng pangangailangan ng mga may kapansanan para mabigyan sila ng full assistance sa halalan.

Inihayag ni Jimenez na mayroong mga itatayong special registration center ang Comelec sa ilang malls para madaling makapunta ang mga may kapansanan at pati ang mga kasama nito ay maaari ring magparehistro.

Nasa 50,000 hanggang 100,000 registrants na PWD ang inaasahan ng Comelec sa buong bansa.

Pacquiao, panalo sa ESPY Fighter of the Year award

July 15, 2011 | 12:00 NN

Nasungkit ni Manny Pacquiao ang panalo sa Excellence in Sports Performance Yearly o ESPY Fighter Award na iginagawad ng ESPN.

Iginawad kay Manny Pacquiao ang ESPY Fighter Award dahil sa matagumpay niyang laban kina Sugar Shane Mosley noong Mayo at Antonio Margarito noong nakaraang taon.

Tinalo ni Pacquiao para sa parangal na ito ang ilan pang nominado gaya nina future Hall of Famer Bernard Hopkins, UFC light heavyweight champion Jon Jones, at welterweight titlist Georges St. Pierre.

Si Pacquiao na eight-time world division champion ay unang nakakuha ng ESPY Award noong 2009.

Sinimulan ng ESPN ang pagbibigay ng parangal sa mga individual at team athletes noong 2007 kung saan una nilang pinarangalan si American Undefeated Boxer at kritiko ni Pacquiao na si Floyd Mayweather, Jr.

www.gmanews.tv (edited)

Thursday, July 14

DTI-NE, naghahanda na para sa Diskwento Caravan

July 8, 2011 | 12:00 NN

Kasalukuyan nang naghahanda ang Department of Trade and Industry Nueva Ecija Provincial Office para sa pagtulak ng Diskwento Caravan na magaganap maghapon bukas sa Freedom Park, Cabanatuan City.


May 35 exhibitors ang inaasahang makikiisa sa Diskwento Caravan. Magbibigay din ng libreng gupit at masahe ang Provincial Manpower Training Center. Nakahanda naman ang DTI NERBAC Team na tulungan ang mga negosyante sa kanilang pangangailangan gaya ng pagproseo ng DTI Permit, SSS, at iba pa.

Layunin ng Diskwento Caravan na maihatid sa mga consumers ang de-kalidad na produkto na kanilang mabibili sa mas murang halaga tulad ng gamot, tinapay, canned goods, processed meat products, detergents, tsinelas at marami pang iba.


Bagamat magbubukas na ang mga exhibitor ng ala-sais y media ng umaga, pormal na sisimulan ang Diskwento Caravan sa pamamagitan ng isang programa ganap na alas-9 ng umaga.

Ang imbitasyong ito ng DTI na dumalo at mamili sa Diskwento Caravan ay bukas para sa lahat.

BiG SOUND & DZXO Newsteam

Pagtanggal sa 12% VAT sa singil sa kuryente, isinusulong

July 14, 2011 | 3:00 PM

NAGHAIN sina 1-Care party list representatives Michael Angelo Rivera at Salvador Cabaluna III na tanggalin ang 12% value added tax sa singil kuryente.

Ayon sa mga mambabatas ang House Bill 4514 ay naglalayon na pababain ang singil sa kuryente.

Anila base kasi sa kasalukuyang sistema, nagbabayad ang mga power industry players ng ordinary income tax at ang 12% VAT ay nagpapahirap sa mga consumers dahil pinapasa ng mga energy companies sa taumbayan ang buwis.

Dagdag pa ng mga ito sa oras na maisabatas ang kanilang panukala ay ang mismong energy company na ang magbabayad ng kanilang franchise tax.

www.rmn.com.ph

SP nagpasa ng resolusyon para maging HUC ang Cabanatuan

July 14, 2011 | 12:00 NN

Nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan noong Lunes na humihiling kay Pangulong Benigno Aquino III na magbaba ng proklamasyong nagdedeklara sa lungsod bilang Highly Urbanized City.

Ayon sa Sanggunian na pinamumunuan ni Vice Mayor Jolly Garcia, kwalipikado na ang Cabanatuan upang maging HUC, kasama na ang usaping income requirement.

Labing-isang konsehal ang lumagda sa resolusyon. Absent sa naturang sesyon si Konsehal Jess Diaz.

Sakaling maibaba na ang proklamasyon mula kay Pangulong Aquino, kukunin na ang desisyon ng mga Cabanatueño sa pamamagitan ng isang plebesito.

Isa pang resolusyon ang ipinasa ng Sanggunian sa parehong araw na humihiling kay 3rd District Representative Cherry Umali na i-sponsor ang isang bill sa Kongreso na nagdedeklara sa pagiging lone district ng Lungsod ng Cabanatuan.

PNA

Wednesday, July 13

Gitnang Luzon, magiging maulan

PINAALALAHANAN ang publiko hinggil sa panibagong bagyo na maaring pumasok sa bansa ngayong weekend.

Ayon kay DOST-PAGASA Usec. Graciano Yumul na bagama’t nasa labas pa ng teritoryo ng Pilipinas ang nasabing sama ng panahon ay gawin na rin ang ibayong paghahanda sakaling tuluyang na itong pumasok ng bansa.

Samantala, inihayag nito na makakaranas ang hilaga at gitnang Luzon ng mga paminsan-minsang pag-ulan na magiging madalas sa kanlurang bahagi ng gitnang Luzon na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Magiging maganda naman ang panahon sa Visayas at Mindanao sa sabado at linggo.

Ang kalakhang Maynila ay makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa bandang hapon o gabi.


Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 24 hanggang 31 antas ng celsius.

Ang araw ay sumikat kaninang alas-5:34 ng umaga at lulubog naman mamayang alas-6:30 ng gabi.

Huwag matakot magdonate ng dugo –DOH

July 13, 2011 | 3:00 PM

NANAWAGAN si Department of Health secretary Enrique Ona sa publiko na huwag matakot magdonate ng dugo.

Dagdag pa nito, gawing regular ang pagbibigay ng dugo sa mga health centers.

Aniya, hindi ito dapat katakutan ng publiko dahil mapapalitan naman ng bagong dugo ang mawawalang dugo sa kanila.

Sinabi din ng kalihim na maliban sa makakatulong na ang mga magdodonate sa nangangailangan, matutulungan pa ang donor na muling maging healthy ang kanilang katawan.

Kasabay nito ay pinaliwanag din ni Ona na dahil sa muling na paglaganap ng nakamamatay na dengue, at iba pang sakit na may kaugnayan sa dugo ay mas kinakailangan ng nasabing ahensya ang mas maraming suplay ng dugo.

Sa bisa ng Presidential Proclamation Number 1021 ng 1997, ginugunita ng DOH ang National Blood Donors Month ngayong Hulyo.

www.rmn.com.ph

City council passes resolution for Cabanatuan HUChood


CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, July 11 (PNA) -- The Sangguniang Panlungsod on Monday passed a resolution asking President Benigno Aquino III to issue a proclamation declaring this city as a highly urbanized city, opening up a head-on collision with the camp of Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali, who is strongly opposing the move.

The SP, chaired by Vice Mayor Jolly Garcia, passed the resolution during its regular Monday session, saying the city has met all the necessary requirements for conversion, including income.

Eleven of the city councilors, mostly allies of Mayor Julius Cesar Vergara, signed the resolution with the exception of Councilor Jess Diaz who was absent. The resolution will be forwarded to the Chief Executive.
Councilor Ariel Severino said copies of the resolution will formally come out on Tuesday.

After the issuance of a presidential proclamation, a plebiscite will be held among Cabanatuenos to ratify the proclamation.

Aside from the resolution converting this city into HUC, the council also passed a resolution requesting Umali’s wife, third district Rep. Czarina Umali, to sponsor a bill at the House of Representatives declaring Cabanatuan as a lone congressional district.

The passage of the twin resolutions came nine months after Umali and Vergara parted ways over the HUC issue which the former vehemently opposed.

Umali said Cabanatuan is not yet ready and ill-prepared to become HUC, adding its conversion would cripple the delivery of basic services to Cabanatuenos.

Vergara, on the other hand, has argued that the HUC conversion of Cabanatuan is long overdue, saying its full development could not take off while under the provincial government.

It is the second attempt to convert the city into HUC. In 1995, Vergara’s predecessor, then-mayor Manolette Liwag pushed for HUC conversion which was subsequently proclaimed by then-President Fidel Ramos.

However, the move lost badly during the plebiscite, largely due to the opposition made by the Josons.

If it becomes HUC, Cabanatuan would be politically independent from the provincial government and voters from Cabanatuan will no longer vote for governor, a move seen as detrimental to Umali who counts on this city as one of his bailiwicks.

Also, all taxes collected in the city would no longer be remitted to the province and all resolutions and ordinances passed by the city council would no longer be reviewed by the Sangguniang Panlalawigan.

Umali said a HUC status would remove the powers of the provincial government and the SP to check possible abuses of city officials.

He said city officials may abuse their powers and this could trigger corruption in “high places.”

Umali said since the provincial government and SP no longer wield control over the city government and city officials, there will no longer be a higher authority to check on possible abuses and legislate ordinances that would bear down on these abuses.

Umali added ever since he fought partisan politics, he pushed hard for political reforms which are now clearly seen and felt in the province.

The governor said converting Cabanatuan into a HUC and making it a separate political subdivision from Nueva Ecija is delivering the wrong message to the people, tantamount to saying Cabanatuenos are no longer Novo Ecijanos which is exactly not the case in point.(PNA)
LDV/zst/MEG/ps

200, 000 tonelada ng mais bibilhin ng gobyerno sa mga magsasaka

July 13, 2011 | 12:00 NN

PINAPLANO ng gobyerno na bumili ng 200,000 metro tonelada ng mais na ilalaan sa tinatawag na “buffer stocking” o ang mais na i-iimbak ngayong taon.

Ayon sa Department of Agriculture, sa ilalim ng National Corn Program bibili sila ng 100,000 metro tonelada ng white corn at 100,000 metro tonelada ng yellow corn mula sa Region 2 (Cagayan Valley).

Ang yellow corn ay bibilhin sa halagang P13.00 per kilogram habang P13 at 70 centavos naman sa kada kilo ng white corn; P0.70 centavos nito ay mapupunta sa kooperatiba ng mga magsasaka.

Pangungunahan ng National Food Authority ang pagbili sa mais, kung saan inaasahan ang mataas na production output ngayong buwan na peak season ng ani.

Ngayong taon, inaasahan na aabot ng 7.2 million metric tons ang corn supply, 12.8% na mas mataas sa 6.4% na na-produce noong 2010.

www.rmn.com.ph

Tuesday, July 12

Human Blood Donors Month, ginugunita ngayong Hulyo

July 12, 2011 | 5:00 PM

Sa gitna ng paggunita ng bansa sa National Blood Donors Month ngayong Hulyo, ineenganyo ng Department of Health ang publiko na regular na magdonate ng dugo upang maging bahagi sa pagsagip ng maraming buhay.

Sa isang DOH press release, inihayag ni Sec. Enrique Ona ang pangangailangan at kahalagahan ng ligtas, de-kalidad, at maraming supply ng dugo. Aniya, makakamtam lamang ito kung mas maraming tao ang boluntaryo at regular na magbibigay ng kanilang dugo. Kaya naman ang kanilang temang nabuo para sa taong ito ay "More Blood, More Life".

Dagdag pa ni Sec. Ona, ang pagbibigay ng dugo ay isa sa pinakamahalagang regalong pwedeng ibigay ng isang tao sa kanyang kapwa. Isang regalong maaaring makapagdugtong sa buhay ng isang may sakit, habang nag-iiwan din ng benepisyong pangkalusugan sa nagbibigay ng dugo.


Kamakailan ay inilunsad ang paggunita sa National Blood Donors Month, sa Antipolo City, Rizal. Tinampok dito ang Human Blood Formation, kung saan daan daang katao ang luminya upang makabuo ng imahe ng isang human blood droplet.

www.gov.ph

Ilang oil players, inaasahang magtataas na rin ng presyo sa petrolyo…DOE, may payo sa publiko

July 12, 2011 | 5:00 PM

PINAYUHAN ng Department of Energy ang publiko na magtipid-tipid muna upang hindi maging masyadong pabigat ang muling pagtataas ng mga produktong petrolyo.

Epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi ay nagtaas ng P2 kada litro ang Pilipinas Shell sa presyo ng kanilang unleaded gasoline habang P1.50 naman sa regular gasoline habang  80-sentimos ang itinaas sa bawat litro ng diesel at kerosene.

Ayon kay DOE Usec.  Jay Layug, hindi dapat mag-alala ang taumbayan dahil patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa mga kumpanya ng langis.

Aniya, sadya lang talagang hindi nila  makontrol ang pagtaas ng demand sa Asya na nagdudulot ng pagtaas din ng presyo ng petrolyo sa lokal na pamilihan.


Inaasahan namang magsusunuran na rin sa pagtataas ang iba pang mga oil companies.

www.rmn.com.ph

Sugar exportation, pinalawig pa ng SRA

July 12, 2011 | 3:00 PM

PINALAWIG pa ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang deadline nito sa pag-export ng asukal sa world market mula ika-30 ng Setyembre hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Paliwanag ng SRA ang hakbang na ito ay makakatulong para mapanatili na matatag ang presyo ng naturang produkto sa merkado.

Ang sugar output ng bansa ay lagpas sa target production na umabot na sa 2.54 million metric tons (mt) kung saan 100,000 mt dito ay planong i-export.

Batay sa Sugar Order No. 11, pinapayagan nito ang mga exporters sa “swapping” mula sa pag-export ng “B sugar” sa “D sugar.”

Ang “B sugar” ay tumutukoy sa alokasyon sa domestic consumption habang ang “D sugar” naman ay ang pag-export higit pa sa itinakdang sugar quota para sa U.S. Market.

www.rmn.com.ph

Monday, July 11

Metro Manila at Western Luzon, magiging maulan dahil sa hanging habagat


July 11, 2011 | 5:00 PM

Makakaranas pa rin ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan ngayong araw ang Metro Manila at Western Luzon dulot ng hanging habagat.


Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul na may binabantayang kaulapan na mabubuong Low Pressure Area (LPA) sa Miyerkules o Huwebes at posibleng maging bagyo pagdating ng weekend.

Inihayag ni Yumul na tulad ni Tropical Depression Goring, na nakalabas na ng bansa, ang naturang LPA ay malapit na sa Taiwan kapag naging bagyo.

www.dzmm.com.ph

Palasyo, umaasang matutuloy ang usapin sa RH Bill dahil sa bagong mga opisyal CBCP

July 11, 2011 | 5:00 PM

HINDI pa isinasara ng Malacañang ang kanilang pintuan para sa Catholic Bishops Conference of the Philippines para pag-usapan ang kontrobersyiyal na Reproductive Health Bill.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, hindi naman nila isinara ang pintuan para pag-usapan ang nasabing panukalang batas, kaya naman nalungkot aiya sila ng umatras na ang simbahan sa pakikipag dayalogo.

Sinabi din nito na titingnan nila kung ano ang magiging posisyon ng mga bagong opisyal ng CBCP.

Nabatid na noong nakaraang biyernes ay nagkaroon ng eleksyon ang CBCP kung sino ang susunod na mamumuno sa kanila at nanalo si Cebu archbishop Jose Palma na magsisimula ng panunungkulan sa darating na Disyembre 1.

www.rmn.com.ph 

Panibagong Pinoy boxer, wagi

July 11,2011| 5:00PM


PINABAGSAK ng bagong Pinoy boxing sensation na si Mercito “No Mercy” Gesta si Jorge Pimentel ng Mexico sa kanilang non-title fight sa California USA kahapon.



Kaya naman bago pa tuluyang patulugin ni Mercito si Pimentel ay inawat na ito ni referee Raul Caiz, Jr.

Dahil dito umangat ang record ni Gesta sa 22 win 0 loss 0 draw.

Inaasahan namang si WBA lightweight champion Brandon Rios ang makakharap ni Gesta sa susunod nitong laban kung saan parehong under ang dalawa sa Top Rank Promotions ni Bob Arum.

www.rmn.com.ph 

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons